Paglilitis sa sariling wika (2)
September 16, 2004 | 12:00am
KARUGTONG ito ng talumpati ni Vice President Noli de Castro nang ilunsad ang aklat ni Judge Cezar C. Peralejo na English-Filipino Revised Rules on Civil Procedure noong Agosto 30, 2004.
"Sa aking karanasan sa broadcast media at sa deka-dekadang inilagi ko sa radyo at telebisyon, personal kong naranasan kung gaano kahalaga ang sariling wika sa pagkakaunawaan ng lahat ng sector ng lipunan. Walang halaga ang isang napakagandang kathang-isip, kung hindi ito mauunawaan ng nakararami sa ating mga kababayan. At malaki ang maitutulong dito ng sariling wika. Noong ako ay nagsisimula pa lamang, sa wikang Ingles ang mga primetime news. Kaya hindi nakapagtataka ang kakulangan ng malasakit ng nakararami sa ating mga kababayan sa mga nagaganap noon sa ating lipunan. Subalit nang isalin na ang TV Patrol sa wikang Filipino, nabago ang newscasting sa bansa. At biglang nagising ang ating mga kababayan sa kahalagahan ng mga balita sa kanilang pang-araw-araw na buhay."
"Isa sa mga gamit ng wika ay ang pag-isahin ang samut saring bahagi ng isang bansa. Kung maisasa-Filipino ang lahat ng aklat pambatas, tiyak mapapalapit ang mga tao sa katuturan at kahalagahan ng batas."
"Matibay ang aking paniniwala na kapag makatarungan ang isang bansa, mabilis din ang pag-unlad nito."
"Isinalin ni Hukom Peralejo sa Filipino ang Mga Tuntunin ng Hukuman bilang tugon sa hangarin ng ating saligang batas.
Hangad ng ika-anim na seksyon ng pang-labing-apat na artikulo ng ating Saligang Batas na ibunsod ng pamahalaan ang wikang Filipino para ito ang maging wikang panturo at pangkomunikasyon sa buong bansa.
Nakatataba ng puso ang malaman na ipinalimbag ng UP College of Law ang aklat na ito hindi lamang dahil sa pagnanais na gawing Filipino ang wikang pangkumunikasyon sa hukuman, ngunit para rin mawala ang agam-agam ng nakararami sa ating mga kababayan sa sistema ng ating paglilitis at nang sa gayon, manumbalik ang pagtitiwala ng bayan sa hukuman at sa mga hukom."
"Sa paglilinang natin ng ating sariling wika, hindi naman dapat na kalimutan natin ang wikang Ingles.
Tanyag ang kakayahan ng Pilipino sa wikang Ingles. Para sa akin, hindi kabalintunaan ang paglinang at pag-unlad ng wikang Filipino at ang pagpapasigla ng ating kakayahan sa wikang Ingles. Bagkus, ang paggamit natin ng wasto sa parehong wika ay magpapabilis lamang sa tuluyang pagyaman ng ating wikang pambansa.
Sa pagsusulong ng ating sariling wika bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng katarungan sa ating bayan, makakaasa po kayo na lagi pong nasa inyong likod, ang inyong lingkod at ang aking tanggapan bilang Pangalawang Pangulo ng bayan."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest