^

PSN Opinyon

The ‘Eight o’clock’ story (2)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
ITONG dating may-ari ng Sugar Land Corporation na si Dante G. Mandurugas na, magnanakaw pa! ’Nung siya pa ang nagmamay-ari ng ‘‘Eight o’clock’’ (orange juice) siya mismo pumupunta sa mga malalaking supermarket outlets.

Estilo daw nitong mandarugas na si Dante, tinuturuan niya mismo ang mga tauhan niyang nakawan ng sukat ng 1 inch ang eskaparate (shelves) ang kanilang competitor ang TANG, ayon na mismo sa kanyang dating sales supervisor.

Hindi daw gaano agresibo sa pagbibisita at pag-iinspeksiyon ang mga tauhan ng TANG sa kanilang mga puwesto. Kaya nagagawa daw ng mga tauhan ni Dante ang magnakaw ng 7 inches sa espasyo ng eskaparate na kanilang na kakumpetensiya sa isang linggo.

"Mr. Tulfo, product exposure ang pinag-uusapan dito, And the way to do it is to steal a space from your competitor. Ito ang tinuro sa amin ng mismong nagmamay-ari ng ‘‘Eight o’clock’’ orange juice na si Dante’’ ayon sa sales supervisor.

Dagdag pa nitong dating sales supervisor, ‘‘kung pagsasama-samahin ang mga nanakaw namin sa eskaparate ng TANG, malaking pera ang kinita ng ‘‘Eight o’clock,’’ courtesy of TANG ’nung mga panahong pag-aari pa ni Dante.’’

Maliban sa pagiging magnanakaw nitong bilyonar-yong si Dante, BASTOS daw ito sa kanyang mga tauhan. Parang mga baboy kung tratuhin niya ang kanyang mga tauhan. May estilong naghahanda raw ng pakain itong si Dante para sa kanyang sales people.

"Mr. Tulfo, out of courtesy, kahit masama ’yong pagkain, we’re polite not to show it to Dante. And instead show our appreciation by tasting a little bit of the shit against our will.’’

‘‘Hindi ko makalimutan ’yong isang kasamahan namin, naawa ako. Ang kasalanan niya’y tumikim siya. ‘Nung makita ito ni Dante, mismo sa harap namin, sinumbatan siya. Sinigawan daw ni Dante, sana ’yong lamon mong yan, matumbasan mo sa iyong pagbebenta!… itutuloy…
* * *
Bitag hotline numbers, para sa mga naaabuso, naaapi at biktima ng panloloko o anumang uring katiwalian, tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310 o mag-text sa (0918) 934-6417. Panoorin ang ‘‘BAHALA SI TULFO’’ sa UNTV 37, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m.

vuukle comment

BITAG

DAGDAG

DANTE

DANTE G

ESTILO

MR. TULFO

NUNG

SUGAR LAND CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with