^

PSN Opinyon

Pagbasura sa "pork" welcome news

- Al G. Pedroche -
HETO na marahil ang pinakahihintay na balita ng marami lalo na yung mga kumakalaban sa "pork barrel." Burado na sa 2005 national budget ang sistemang ito ayon kay House Speaker Jose de Venecia.

Maganda sana ang pork barrel kung gagamitin sa tamang rason. Pero naging kontrobersyal nga ito dahil naging "cosmetic" ng mga mambabatas para magpa-guwapo sa mga mamamayang kanilang nasasakupan.

Nahaharap ang bansa sa matinding kakulangan ng pananalapi, dapat na nating tanggapin ang pagkakalansag ang pork barrel system. Tiyak may aangal. Yung mga taong nakikinabang sa mga Kongresista. Ngunit talagang mahigpit ang pangangailangan ng bansa sa pananalapi, kung hindi’y lalong darami ang naghihikahos. Ang kahirapan ay ugat ng pag-aalsa ng mamamayan. Tumataas ang krimen, at dahil disgustado ang marami, natututo silang gumawa ng karahasan.

Kamakalawa ay ginunita ang ika-tatlong anibersaryo ng malagim na pag-atake sa twin towers sa New York na naghudyat ng iba pang terrorist attack sa iba’t ibang dako ng mundo kasama na ang Pilipinas.

Terrorism is still a deadly threat that must be countered by vigilance, ani Presidente Gloria Arroyo. Dapat daw tayong maging alerto upang mapigilan ang paghahasik ng lagim ng mga terorista.

Tamang maging alerto ang lahat. Pero ang dapat pagtuunang pansin ng pamahalaan ay ang pagpungos sa ugat ng terorismo. Ang terorismo ay nag-uugat sa pagka-disgustado ng mga tao. Tulad din iyan ng komunismo na naghahasik ng sari-saring pag-aaklas.

Pag-aaklas laban sa mga mapang-abusong employer at kawalan ng hustisya para sa mga mahihirap. Ngayo’y pataas nang pataas ang halaga ng mga bilihin samantalang ang sahod ng mga obrero ay nananatiling mababa.

Kapag hindi na naghusto ang kinikita ng isang mahirap, napipilitan siyang lumabag sa batas. Kapag nahuli siya ng tinatawag na long arm of the law, tiyak na siya’y maparurusahan.

Okay lang maparusahan ang mga lumalabag sa batas pero naparurusahan din ba agad ang mga impluwensyal sa pamahalaan na tiwali at hinuhuthot ang kabang bayan?

BURADO

DAPAT

HOUSE SPEAKER JOSE

KAMAKALAWA

KAPAG

KONGRESISTA

NEW YORK

PERO

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with