^

PSN Opinyon

Intelligence Seminar handog ng CBF

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
SA susunod na Linggo ako tatalakay ng usaping medikal upang bigyang-daan ang seminar na handog ng Character Building Foundation (CBF).

Patuloy ang CBF sa pamamahagi ng kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng itinatag nitong Center for Learning.

Naging matagumpay ang dalawang seminar na itinaguyod ng CBF noong Hulyo at Agosto kung kaya’t ipinasya nito na buksan ang pintuan ng kaalaman para sa ‘‘Intelligence and The User,’’ isang natatanging talakayan para sa mga namumuno sa bansa, mga kagawad ng militar at pulisya mga negosyante at mga mamamahayag.

Pangungunahan ni Gen. Rodolfo A. Canieso (ret.) dating Commanding General ng Philippine Army at Director-General ng National Intelligence Coordinating Agency sa Administrasyong Aquino ang naturang talakayan.

Malaki ang naitutulong ng Intelligence Reports sa maraming sektor ng lipunan na nangangailangan ng mga pagbabago sa pulisya ng bansa, pagtitimbang ng mga kaganapan at maging sa pagsisi sa kapalpakan ng mga intelligence agencies.

Maaaring hindi nalalaman ng marami subalit nakadepende sa mga intelligence reports ang desisyon ng maraming negosyante at mamumuhunan.

Inaanyayahan ang publiko na dumalo sa pagtitipong ito na gaganapin sa Setyembre 11, 2004, (Sabado) mula 9:00 a.m. hanggang 12 noon sa 2nd floor Filia Corporate Center 4347 Valdez St., Makati City.

May fee na P1,000 sa bawat magpaparehistro bilang donasyon sa CBF. Libre ang inumin at meryenda sa mga dadalo.

Sa mga nagnanais magparehistro, tumawag lamang sa 890-5321 o 0916-4617106. Hanapin si Joyce.

ADMINISTRASYONG AQUINO

CHARACTER BUILDING FOUNDATION

COMMANDING GENERAL

FILIA CORPORATE CENTER

INTELLIGENCE AND THE USER

INTELLIGENCE REPORTS

MAKATI CITY

NATIONAL INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with