^

PSN Opinyon

Tanong pa sa Pag-IBIG Overseas Program

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Una sa lahat, nais kitang batiin sa pagkapili sa inyo bilang DENR Secretary.

Nabalitaan ko ang inyong programa sa Pag-IBIG Overseas Program. Interesadong-interesado ako dahil matagal na akong nagtatrabaho dito sa Japan ngunit wala pa akong naipundar na bahay para sa aking pamilya. Sana bago ka umalis ng Housing ay mabigyan mo ako ng konting impormasyon kung paano ang tungkol sa pag-IBIG Overseas Program. Aabangan ang iyong sagot dito sa
Pilipino Star NGAYON.

Sana pagpalain ka ng Diyos at patuloy na magsilbi sa taumbayan bilang bagong Secretary ng DENR. –Cynthia ng Guam


Sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa, maari kayong maging miyembro ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Pag-IBIG Overseas Program. Maari kayong mag-surf sa ating website, www.pagibigoverseas.com, o pumunta sa mga Consulate Offices sa inyong lugar kung saan may nakatalaga na kawani ng Pag-IBIG.

Maari kayong magdownload ng Member’s Data Form sa nasabing website at magbayad ng buwanang kontribusyon sa mga banking accredited ng Pag-IBIG Fund.

Ang halaga ng buwanang kontribusyon ay batay sa kabuuang halaga ng buwanang sahod:

US$ 1000 at mas mababa US$20

Mahigit US$1000-$2000 US$40


Maaari din po kayong magbayad ng peso batay sa halaga ng dolyar sa araw ng inyong pagdeposito.
* * *
Nais ko kayong pasalamatan sa inyong pagsusubaybay sa akin sa pamamagitan ng kolum na ito sa ating pagtalakay sa programang pabahay ng ating pamahalaan.

Sa pagkatalaga sa akin ni President Arroyo bilang DENR Secretary nais ko kayong imbitahan na subaybayan ang ating sama-samang pagkakaisa sa iisang adhikain na ingatan ang ating kalikasan at ang yamang lupa.

CONSULATE OFFICES

DATA FORM

DEAR SEC

MAARI

MIKE DEFENSOR

OVERSEAS PROGRAM

PAG

PILIPINO STAR

PRESIDENT ARROYO

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with