^

PSN Opinyon

Sen. Miriam bakit?

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NOONG unang pumutok ang balita ukol sa exposé ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa Smokey Mountain Project ay hindi muna ako nagbigay ng komento dahil alam kong malalim ang dahilan sa pagbubunyag niyang ito.

Hindi ako naniniwala na habol lang ng pagbubulgar na ito ay ang maparusahan ang mga may sala. Lalong hindi ako naniniwala na gumaganti lang ang senadora kay dating President Fidel V. Ramos na tumalo sa kanya noong election ng 1992.

Bagamat alam ko na matindi ang galit ni Sen. Miriam kay FVR, kilala ko ang senadora na isa sa pinakamatalino at magaling na pulitiko sa kasalukuyan. Ginagamit niya ang utak at hindi ang puso.

Isa pa ay kasama na siya ng kampo nina FVR dahil sumama siya sa koalisyon ni Madam Gloria noong nakaraang election.

Kaya bakit nga ba niya ginawa ang naturang exposé tungkol sa Smokey Mountain Project. Nag-isip ako, nag-imbestiga, naghalukay at eto mga kaibigan ang aking natuklasan.

Iisa lang ang dahilan pero malaking dahilan ang nagbunsod sa pagbubulgar kuno. Hindi prinsipyo at lalong hindi kagustuhang makapaglingkod ang dahilan.

Ang dahilan ay labanan sa negosyo pero hindi basta-bastang negosyo kung hindi negosyong kikita ng milyun-milyong piso hindi lang sa isang taon kung hindi sa ilang buwan lamang.

Ayon sa aking pag-iimbestiga, malaki ang mawawalang pera kung tuluyang mabubuksan at mag-uumpisa ang operation ng harbour center na matatagpuan sa dating Smokey Mountain project.

Magsisilbi itong alternatibong pier sa ka-Maynilaan at tiyak na maraming ibang barko ang dadaong diyan dahil masikip na ang ibang mga puerto. Bukod pa sa maluwag pa ang nasabing lugar at may mga housing at commercial area na pakikinabangan ng ibang negosyante na maaaring mag-isip magbukas ng negosyo doon.

Kung matutuloy at magiging smooth ang pagbubukas ng bagong lugar na yan ay magiging panibagong business area. Tataas ang halaga ng lupa sa naturang lugar at natural lalaki ang iba pang mga negosyo sa nasabing lugar.

Kung ganoon ang mangyayari, hihina ang negosyo ng mga karibal ng R-2 sa nasabing lugar at kung mamalasin pa sila ay baka mahila pa ng husto ang kanilang mga malalaking mga kliyenteng mga shipping companies.

So paano nila papayagan yon, humanap sila ng paraan at yun nga nakita nila ang perpektong paraan. Paimbestigahan, bulabugin at kung makakatsamba pa, pa-rescind pilit ang kontrata na nakuha at gobyerno na uli ang may hawak.

Tyantyararan, pasok ang grupo ng mahilig mag-meeting diyan sa rooftop ng isang five star hotel sa Makati sa pamumuno ng isang taga-Malacañang at take-over. Sa ganoong paraan, libre na ang construction cost at iba pang gastusin, kikita pa sila nang napakalaki.

Sa ganoong paraan kopo nila ang buong negosyo diyan sa pier, masayang masaya sila at nakaganti pa si Senadora kay FVR. Galing ng nakaisip nito, shooting two birds with one stone. Hindi nga lang bird, goose that lays the Golden Egg.

Haay!!! As usual pera na naman, malaking malaki nga lang. Kaya tayo, laging ingat, hindi sumasakay agad. Kayo mga kaibigan, ano sa palagay n’yo? Text lang sa 09272654341.
* * *
Binabati ko ang Quezon City government sa pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte na nanguna na naman sa pagbubunyag at paghuli ng mga gasolinahan na kumikita na sa sunud-sunod na kita sa pagtaas ng produktong petrolyo ay dinadaya pa ang metro ng gasolina.

Bagama’t trabaho ito ng Department of Energy ay naunahan ng Quezon City ang paghuli sa 44 na mandarayang mga gasolinahan.

Gaya rin ng proper tax collection na ginagawa ni Mayor Belmonte na naging dahilan ng pagiging pinakamayaman ng Quezon City, naglunsad ng sariling kampanya sa nasabing lungsod at nahuli nga ang mga mandarayang gasolinahan.

Malaking bagay ang pagkatuklas nito dahil natawag ang pansin ng Malacañang na nag-utos naman sa DOE na maglunsad ng sariling kampanya.

Kesa DOE ang manguna, kinailangan pang matawag ang pansin ng pamahalaan ng Quezon City. Kakahiya, inutil na nga si Sec. Vince Perez sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, wala pang magawa sa pandaraya ng mga gasolinahan.

Ano pa kaya ang silbi niya at kanyang opisina? Hindi kaya dapat ma-abolish na lang upang makatulong nang malaki sa pagtitipid ng pamahalaan ni Madam Gloria?
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

DEPARTMENT OF ENERGY

GOLDEN EGG

KAYA

LANG

MADAM GLORIA

QUEZON CITY

SMOKEY MOUNTAIN PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with