^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pangunahan ng gobyerno ang pagsasakripisyo

-
NARARAPAT na pangunahan ng gobyerno ang pagsasakripisyo. Magtipid, mag-impok at magtiyaga. Ito ang gagayahin ng taumbayan. Hindi kailanman matututo ang taumbayan hangga’t walang nakikita sa mga namumuno. Ngayong pahirap nang pahirap ang pamumuhay, walang pinakamabuting gawin kundi ang magtipid. Nasa piskal krisis ang bansa, inamin mismo ito ni President Arroyo. Hindi na niya itinago ang katotohanan. Ang pag-amin ay nararapat lamang. Wala nang magagawa kundi magtulung-tulong ngayon kung paano makaaahon ang bansa na nilumpo nang maraming utang. Ang budget ng bansa sa 2005 ay sinasabing kinain na lamang ng pambayad sa mga utang. Whew! Utang nang utang at walang ibang nahihirapan kundi ang taumbayan. Lumubo nang lumubo ang budget deficit.

Magandang marinig na magbabawas ang gobyerno sa mga gastusin. Babawasan na ang pagbibiyahe sa abroad ng mga government officials, pagdaraos ng mga seminars, parties at babawasan na rin ang mga overtime. Babawasan din ang pagkunsumo sa fuel at electricity. Ayon kay Budget Sec. Emilia Boncodin, makatitipid ang pamahalaan ng P400 milyon kung isasagawa ito. Noong nakaraang taon, P4 bilyon ang nagastos sa fuel at elektrisidad.

Babawasan din umano ng gobyerno ang papalathala ng mga paid advertisements, pagdaraos ng mga trainings at workshops. Hindi na papayagang magdaos ng sports activities na wala namang kaugnayan sa function ng ahensiya. Ipagbabawal na ang pagbibigay ng mga donasyon, grants at regalo. Hindi na rin magha-hire ng mga consultants.

Sariwa pa sa isipan ang mga sinabi ni Mrs. Arroyo noong June 30, 2004 na kanyang inagurasyon. Ipinangako niya na magtitipid ang gobyerno. Aalisin ang mga hindi napapakinabangan. Sabi niya "I pledge to reduce spending where government doesn’t work and increase spending where government can make a difference for the better."

Maganda ang mga balak. Malinaw at tiyak na magkakaroon ng bunga kung – isasagawa. Kung hindi isasakatuparan, kawawa ang bansa. Sabi nga ng mga UP economists, babagsak ang bansa sa loob ng tatlong taon kapag hindi nakagawa ng paraan ang gobyerno. Hamon ito kay Mrs. Arroyo. Isulong ang mga balak kaagad-agad. Kilos na. Malinaw naman ang puntirya kaya hindi na dapat pang mag-urung-sulong sa pagsasagawa nito. Mas makabubuti kung pangungunahan ang pagsasakripisyo.

AALISIN

BABAWASAN

BUDGET SEC

EMILIA BONCODIN

MALINAW

MRS. ARROYO

PRESIDENT ARROYO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with