EDITORYAL - Energy conservation para sa mahihirap
August 26, 2004 | 12:00am
PANGUNAHAN ng mga pinuno at taong gobyerno sa balak nilang energy conservation. Ngayong walang tigil sa pagtaas ang petroleum products na kinabibilangan ng gasoline, diesel, liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene, ang energy conservation ang naiisip na paraan ng Department of Energy. Pero kakatwa na ang gusto nilang magtipid ay yung mga matagal nang nagtitiis sa hirap. Halimbaway isasara ang shopping malls nang mas maaaga, e sino ba ang empleado sa malls kundi mahihirap. Kapag isinara nang mas maaga e di apektado ang kaunti nilang kinikita na karamihan ay contractual pa. Plano rin nilang magbisikleta na lang ang mga tao. Magtatayo raw ng mga bicycle lanes. Maganda ito at exercise pa pero kaya kayang pagbisikletahin at paglakarin ang mga senador at kongresista? Ewan kung mapasunod ang mga mambabatas na nasanay nang naka-Pajerong may wangwang at may escort pang motorcycle para hawiin ang trapiko.
Walang ibang dapat manguna sa pagtitipid kundi ang mga pinuno ng bansang ito. Kung hindi nila maipakikita ang pagtitipid na gusto nilang mangyari, huwag na lang mag-enercon.
"Let us make energy conservation a way of life," sabi ni President Gloria Macapagal-Arroyo nang ilunsad ang "Energy Conservation" sa isang meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council. Ang meeting ay dinaluhan ng mga Cabinet officials at leaders ng Congress. Maging bahagi na raw ng buhay ang pagtitipid sa enerhiya. Magandang payo o paalala ito. Pero bakit tuwing magkakaroon ng krisis sa enerhiya saka lamang ito naiisip? Kung kailan nandiyan na ang pagdarahop saka lamang magkakaroon ng mga kara-karakang paglulunsad ng ibat ibang kampanya. Bigla-biglang maglilitawan ang mga magagandang ideya na dapat ay gawin ang ganitong paraan. Dapat ay ganito upang makatipid at iba pang strategies na gaya nga nang inilunsad ng pamahalaan noong Martes. Bukod sa maagang pagsasara ng malls, balak ding limitahan ang pagbili ng mga sasakyan para sa mga opisyal ng gobyerno, maglalagay daw ng mga energy saving tips sa mga publikong lugar para mabasa, magdedeploy daw ng mga energy audit teams at iba pa. Mabuti ang mga ito kung maipatutupad lalo pa ang paggamit ng mga opisyal ng gobyerno sa mga sasakyang malalakas lumaklak ng gasoline o krudo.
Pataas nang pataas ang petroleum products at walang magawa ang pamahalaan kaya ang pagtitipid na nga lang ang kailangan pero hindi sana sa simula lamang ito. Hindi sana maging ningas-kugon katulad ng mga nakaraang plano.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am