^

PSN Opinyon

Tiwalng mga pulis bilang na ang araw; pirated CDs VCDs nagkalat

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PUSPUSAN ang kampanya laban sa mga "bad eggs" sa PNP. Inihayag ni DILG Secretary Angelo Reyes na pipilitin niyang mabura ang masamang imahe ng kapulisan. Maraming pulis ang sangkot sa pangongotong, panghoholdap at iba pang ilegal na gawain. Sinabi ng DILG Secretary na layunin ng kampanya na maibalik ang tiwala sa pulisya ng mga mamamayan at dito kakailanganin ang tulong at pakikiisa ng taumbayan.

Nanawagan si Reyes sa lahat na ipagbigay-alam kaagad sa awtoridad ang mga kotong cops. Tiniyak niya na bibigyan ng police protection ang sinumang magbubunyag ng operasyon ng mga scalawags sa PNP. Sa kampanyang ito, kailangan ang partisipasyon ng publiko at mga barangay officials dahil alam nila ang gagawin ng mga kapulisan sa kanilang mga lugar.
* * *
Inamin ni Edu Manzano ng Video Regulatory Board na mahirap ang pagtugis sa mga "pirata" pero very rewarding experience naman. Ayon kay Edu, ang piracy ay isang syndicate crime at kapag nagsagawa sila ng raid ay marami ang nasasagasaan. Ang piracy ay isa ring mabigat na dahilan ng unti-unting paglalaho ng local movie industry na marami rin ang umaasa ng ikabubuhay. Maraming programa sina Edu Manzano para mapalawig ang kampanya laban sa piracy. Gusto niyang madagdagan ang bigat ng parusa sa mga lumalabag. Ang kasalukuyang Optical Media Bill ay nagtatadhana ng tatlo hanggang anim na taong pagkabilanggo at multa na hindi bababa sa P5,000.

AYON

EDU

EDU MANZANO

INAMIN

MARAMING

OPTICAL MEDIA BILL

SECRETARY ANGELO REYES

VIDEO REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with