^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang magmamahal sa Pilipino kundi kapwa Pilipino

-
NATUTUWA kami sa matibay na paninindigan ni President Gloria Macapagal-Arroyo na walang mangyayaring apologies pagkaraang iatras ng Pilipinas ang tropa sa Iraq dahil kay Angelo de la Cruz. Bakit hihingi ng paumanhin? Tama lamang ang kanyang pasya. At iyon ay isang matalinong pagpapasya. Dahil sa pag-atras ng tropang Pinoy sa Iraq, inalis na ang Pilipinas bilang miyembro ng Coalition of the Willing na lumalaban sa terorismo sa Iraq. Ang United States at Great Britain ang malalaking bansa na namumuno sa Coalition. Sinabi ng US State Department noong Miyerkules na hindi na kabilang ang Pilipinas sa Coalition. Tanggal na!

"E ano ngayon?" ito ang waring gustong ipahayag ni Mrs. Arroyo sa pahayag ng US. E ano ba kung tanggalin sa Coalition. Kung ito ba ang kapalit ng pagliligtas sa buhay ng kababayang Pinoy, so be it!

Una muna ang kapakanan ng Pinoy. Ito ngayon ang prayoridad ni Mrs. Arroyo. Kung hindi iniatras ang tropa sa Iraq noong nakaraang buwan, maaaring patay na si Angelo dahil pugot na ang ulo. Maaaring hindi na makita ang ulo at ang katawan na lamang ang dadalhin sa Pilipinas. Malulupit ang mga militanteng Iraqi at ang sinabi ay gagawin. Sa kabuuan may pitong dayuhan na ang kanilang pinupugutan. Ang huling pinugutan ay isang Pakistani na ipinakita pa sa Internet kung paano unti-unting nilaslas ang ulo. Nakaririmarim at nakapangingilabot ang daing ng Pakistani habang unti-unting ginigilitan.

Kung hindi naiatras ang tropang Pinoy, ganoon ang mangyayari kay Angelo. Pinalaya si Angelo at ngayon ay kasama na ang kanyang pamilya sa Mexico, Pampanga. Kung napugutan kaya si Angelo, makikiiyak kaya ang US, Britain, Australia at iba pang malalaking bansa? Hindi. Wala silang pakialam kahit maraming mapugutan. Wala silang pakialam kung anuman ang gawin ng mga militante. Matigas sila at hindi aatras sa pagsakop sa Iraq. Pinoy lang ang tanging iiyak sakali at napugutan ang truck driver na si Angelo. Hindi makikidalamhati ang mga mayayabang na bansa. Wala silang paki. Maski ang Australia ay binatikos ang Pilipinas sa pag-atras ng tropa sa Iraq. Lalo raw mangingidnap ang mga militante dahil sa ginawa ng Pilipinas. Wala silang paki kung anuman ang desisyon ng Pilipinas.

Tanging ang Pilipino ang magmamahal sa Pilipino. Hindi maaaring mahalin ng Kano ang Pinoy. Ang Kano ay para sa Kano. Sa Pinoy mahalaga ang buhay. Kaya tama lamang ang ginawa ni Mrs. Arroyo. E ano ba kung inalis sa Coalition? Buti nga.

ANG KANO

ANG UNITED STATES

ANGELO

COALITION OF THE WILLING

KUNG

MRS. ARROYO

PILIPINAS

PINOY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with