^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Iligtas ang mga bata sa pornographers

-
WALANG ngipin ang batas sa bansang ito laban sa mga child pornographers. Kung may ngipin man, iyon ay malambot at hindi kayang kagatin ang mga hayok sa laman na ginagamit ang murang katawan ng mga batang Pinoy para sa kanilang masamang negosyong pornograpiya. Dahil sa kalambutan ng batas, walang takot ang mga child pornographers na magpabalik-balik sa bansa. Madali lang lusutan ang awtoridad dito sa pamamagitan ng pagtatapat ng pera. Palalamigin lang ang isyu at kapag nakalimot na ang mga ningas-kugong opisyal, balik na naman sila. Pagagapangin na naman ang sindikato para maghanap ng mga bata na gagamitin sa pornograpiya. Pera-pera lang ang labanan sa bansang ito.

Maski ang United Nations Children Emergency Fund (Unicef) ay nabahala rin sa klase ng batas na ipinaiiral sa Pilipinas para labanan ang mga child pornographers. Wala raw tapang at lakas para magparusa sa mga madadakip na pornographers. Dahilan para lalo lamang dumami ang mga pornographers. Ayon sa Unicef, ngayo’y lalo pang dumami ang mga child pornographers sa Pilipinas. Nakababahala raw ang ganito.

Lalo pang naalarma ang Unicef nang may 70 bata na karamihan ay may edad lima hanggang 12 ang naireport na na-rescue sa kamay ng mga sindikatong sangkot sa child pornography. Ang ikinatatakot ng Unicef ay baka marami pang mga bata ang nananatiling nasa kamay ng sindikato at hanggang ngayon ay hindi pa naililigtas. Ang pagdami ng mga batang ginagamit sa pornography ay nakaalarma sa Unicef sapagkat sunud-sunod ang expose’ sa media. Ayon sa Unicef ang child pornography ay isang malaking paglabag sa karapatan ng mga bata. Dapat matigil ang masamang gawain ng mga child pornographers. Dahil sa nangyayaring ito, isang pag-aaral sa child pornography ang isinasagawa ng Unicef sa Pilipinas.

Malambot na batas. Iyan ang nakikitang depekto kung kaya walang takot ang mga pornographers dito sa bansa. Ang kahirapan ay itinuturo rin namang dahilan at ganoon din ang pagkalat ng mga malalaswang panoorin at babasahin. Ilan pang dahilan ay dahil sa advanced communication technology.

Para sa amin, kung magkakaroon ng kamay na bakal ang pamahalaan laban sa mga pornographers, tiyak na matatakot sila. Huwag silang tantanan hanggat hindi nadudurog. Dapat din naman makipagtulungan ang mga magulang para mailigtas ang kanilang mga anak sa pornographers.

AYON

CHILD

DAHIL

DAPAT

PARA

PILIPINAS

PORNOGRAPHERS

UNICEF

UNITED NATIONS CHILDREN EMERGENCY FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with