Kaya marami nang bumibili ng prutas na balimbing sa BOC?
Si Templo raw ang hahalili sa tronong iiwanan ni Tony kapag nagbaba ng basbas si Prez GMA.
Nakatutulig ang balita sa nakaambang palitan. Kaya naman wait and see ang mga negosyante kaya patay ang koleksyon. May mga kamoteng hindi na mapakali dahil naghahanap na sila ng padrino para kay Templo. Ika nga, gisado este mali demoralisado pala ang ilang kamoteng empleado.
Si Templo ay 36 years na sa Bureau. Rose from the rank ang taong ito. Isa itong INC.
Ayaw namang magbigay ng anumang pahayag si Tony tungkol sa tsismis. Trabaho ang importante kay Tony.
Sabi ni Tony, tumaas ang koleksiyon niya ngayon July kumpara noong isang taon. Nakalikom siya ng P10.72 billion versus target na P9.842 billion or 9 percent above goal. Sa madaling salita, hindi niya pinababayaan ang kanyang trabaho sa Customs.
Mukhang pinagsasabong ng ilang urot si Tony at Celso? anang kuwagong haliparot.
Bakit naman? tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Siyempre masakit para sa isang Commissioner ang napapabalitang tatagpasin siya sa bureau.
Eh, nagta-trabaho naman ng husto si Tony.
Gusto ba naman ni Celso na maging Commissioner? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Siyempre tatanggihan ba naman ni Celso ito eh pangarap ng kahit na sinong empleado sa bureau ang maging bossing dito.
Ano ang problema ngayon?
Iyan ang hihintayin natin, kamote.