^

PSN Opinyon

MIAA opisyal humingi ng P15-M komisyon sa kontrata sa airport

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang masiba pala sa paghingi ng komisyon ang isang opisyal sa Manila International Airport Authority (MIAA)?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay President Gary Teves ng Land Bank of the Philippines; Elmer ‘‘Bong’’ Labog ng Kilusang Mayo Uno; Tony Emmanuel ng Saisaki, Monet Aviles ng Palawan at Bro. Ben Magno Domingo ng Aurora, Isabela.
* * *
Alam n’yo bang masiba pala sa komisyon ang isang opisyal ng MIAA?

Ayon sa aking bubuwit, kaya pala super yaman na ang nasabing opisyal sapagkat walang pinalalampas na kontrata sa airport ng wala siyang nakukuhang komisyon. Kaya lang sumobra naman yata sa pagiging garapal sapagkat kung humingi ngayon ng komisyon ay advance. Hindi pa nagsisimula ang project, kailangan ay maibigay na sa kanya ng buo ang porsiyento.

Katulad na lamang nitong isang project, meron nang Memorandum of Agreement (MOA) pero kayang-kaya niyang hindi sundin ang kanyang bossing kapag hindi naibigay ang komisyon in advance.

Ayon sa aking bubuwit, P150-million ang project na pinirmahan na noon ni dating MIAA General Manager Ed Manda na MOA tungkol sa security ng Ninoy Aquino International Airport. Kaya lang, dahil hindi nakapagbigay ng komisyon na P15-million yung foreign businessman, ibinasura ang proyekto.

Napakagarapal mo naman Sir!

Nauna rito ay kinasuhan na rin sa Office of the Ombudsman ang naturang opisyal dahil tumanggap naman ng P1.5 million na komisyon sa isang security agency. Kaya lang ay hindi rin natupad yung kontrata.

Nang bawiin ang ibinigay na komisyon, nagbigay ng tatlong tsekeng kabayaran subalit ang mga ito ay nagsipagtalbugan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kaya pala naging bilyonaryo ang nasabing opisyal dahil kilala itong masiba sa komisyon.

Maniniwala ba kayo na siya ay simpleng opisyal lamang na maliit ang suweldo pero isa na siyang bilyonario?

Madam President Gloria Macapagal-Arroyo, dapat pala ang opisyal na ito ang unahin mong sibakin.

Mantakin n’yo naman, batay sa kanyang isinumiteng Statement of Assets & Liabilities (SAL) ang kanyang yaman ay umabot sa mahigit isang bilyong piso. Ito ay P1,200,026,500.00

Ano kaya ang negosyo ng opisyal na ito? Umeebak kaya siya ng pera?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang opisyal ng MIAA na masiba sa paghingi ng komisyon ay si…

Siya ay chairman ng Bidding and Awards Committee (BAC). Kaya naman pala walang nakakalusot na kontrata nang wala siyang komisyon.

Siya ay walang iba kundi si Engr. M. as in Masiba.

AYON

BEN MAGNO DOMINGO

BIDDING AND AWARDS COMMITTEE

GENERAL MANAGER ED MANDA

KAYA

KILUSANG MAYO UNO

KOMISYON

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

OPISYAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with