^

PSN Opinyon

Gov't official idineyt ang kanyang chiching sa Clark Air Base

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang idineyt at ipinag-shopping pa ng isang government official ang kanyang chiching sa Clark Air Base, Angeles City?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mayor Santi Dickson ng Solano, Nueva Vizcaya; Val Victa ng MBC-Sales, Ver Taleon, Rey Banico ng Metrobank, Armand Nocum at Maria Divina ng Odiongan, Romblon.
* * *
Alam n’yo bang matulis pala ang isang head ng ahensiya ng pamahalaan?

Ayon sa aking bubuwit, noong July 25, 2004, dakong alas-12:30 p.m. ay nakita niya ang isang opisyal ng pamahalaan. May kasama itong chiching pero hindi naman ito ang kanyang Commander-in-Chief.

Maganda ang chiching ni Bossing. Kaya lang mas maganda yata yung chiching niyang taga-Sulu Hotel sa Quezon City ah. Parang mas maganda, mas matangkad, texas ang tindig, mas matikas. Pero mas bata yata ang chiching na kasama ni Bossing sa Clark Air Base.

Ayon sa aking bubuwit, noong una ay kampante si Bossing habang kasama ang kanyang chiching. Habang nagtutulak ng push cart si Bossing ay panay naman ang dampot ng kanyang chiching ng mga PX goods. Mga gamit sa bahay, gamit pambabae, tsokolate at iba pa. Nag-shopping sila sa Puregold Shop sa Clark, Angeles City.

Di ba nasimot ang bulsa mo, Bossing?

Mukhang taga-Albay yung chiching mo Sir. "I’ll buy this, I’ll by that, I’ll buy those."
* * *
Ayon sa aking bubuwit, alisto pala ang mga bodyguard ng government official. Nang magbabayad na sina Bossing at kanyang chiching sa counter, may ibinulong si bodyguard kay Bossing. Meron pala siyang nakitang kakilala sa loob ng Duty-Free Shop.

Ang ginawa ni Bossing, binulungan ang kanyang chiching at ito ay pinaalis sa pila ng bayaran.

Nagmamadaling lumabas ang chiching kasama ang bodyguard ni Bossing. Inihatid sa sasakyan at si Bossing na lamang ang pumila at nagbayad ng kanilang pinamili.

Alerto si Bodyguard pero mas alisto Bossing yung aking bubuwit. Huli ka Bossing!

Nag-overnight ba kayo Bossing?

Ayon sa aking bubuwit, ang Bureau Chief ng pamahalaan na nakipag-date at ipinamili pa ang kanyang chiching sa Clark Air Base ay si…

Siya ay dating opisyal ng City Mayors League of the Philippines. Siya ay si Commissioner F.A. as in Flight Attendant.

vuukle comment

ANGELES CITY

ARMAND NOCUM

AYON

BOSSING

BUREAU CHIEF

CHICHING

CITY MAYORS LEAGUE OF THE PHILIPPINES

CLARK AIR BASE

COMMISSIONER F

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with