Pati kaban ng Mandaluyong nagoyo ni SPO3 Jun Lim
July 28, 2004 | 12:00am
HINDI lang mga residente ng Mandaluyong City ang nagoyo ng anti-vice unit ni SPO3 Felipe Jun Lim kundi maging ang kaban ng siyudad ni Mayor Boyet Gonzales. Kasi nga mga suki, may nakalistang siyam na sasakyan na pina-gasolinahan nitong anti-vice unit ni Lim pero ang suma-total, anim lang pala ang ginagamit nila para ipatupad kuno ang mga batas ng siyudad nga. Ang ibig kong sabihin, kung umabot na sa isang dekada sa panunungkulan bilang hepe ng anti-vice unit si Lim, eh ganoon na rin katagal niyang nilulustay ang pera ng kaban ng Mandaluyong City. Ang dapat gawin ni Mayor Gon-zales ay makipag-coordinate siya sa gasolinahan ng ginagamit ng anti-vice unit, alamin niya ang plate number ng behikulong hindi nakalista sa opisina ni Jun Lim at tiyak matutuklasan niya kung sino ang nakikinabang sa nawawalang pondo ng siyudad nga, he-he-he! Talagang sobra ang pakinabang ni Jun Lim noong nakaraang administrasyon, di ba mga suki?
Ang tanong naman ng taga-Mandaluyong City na nakausap ko, hindi ba malinaw na pagnanakaw sa kaban ng siyudad itong ginawa ni Jun Lim? Ang bawat sasakyan kasi mga suki ay kinakargahan sa kaban ng siyudad itong ginawa ni Jun Lim? Ang bawat sasakyan kasi mga suki ay kinakargahan ng tig-sampong litro ng gasolina araw-araw para gamitin nga ng mga elemento ng anti-vice unit. Pero ang siste, pati mga personal yata na sasakyan ng taga-anti vice unit ay nakikarga na rin at siyempre pa ang kaban ng siyudad ang naapektuhan. Kung isang dekada ng ginagawa ito ni Jun Lim, eh di malaking halaga rin ang nawawala sa pondo ng Mandaluyong City, di ba mga suki?
Kung bakit mabilis maghusga si Jun Lim sa mga konting pagkakamali ng mga residente ng siyudad, dapat ganoon din kabilis si Mayor Gonzales na kasuhan siya, anang mga nakausap ko. May punto rito ang mga residente ah, di ba mga suki?
Bakit kaya hindi pa binubuwag ni Mayor Gonzales ang anti-vice unit ni Lim eh abot langit na ang reklamo laban sa kanila? Kung sabagay, ito palang anti-vice unit ay itinatag ng isang executive order ng nakaraang administrasyon at isinailalim ito sa Office of the Mayor. Kaya pala malakas mangharabas ang mga tauhan ni Lim, eh dahil direkta sila sa mayor. Pero bunga sa pagbali niya dahan-dahan sa mga pakpak ni Jun Lim, mukhang dumidistansya si Mayor Gonzales kay Jun Lim na pinapalakpakan naman ng mga residente. Kaya kung nakangisi sa ngayon ang mga taga-Mandaluyong City, yan ay dahil hindi na sila maabuso pa ni Jun Lim at mga tauhan niya. Kapag napatunayan ni Mayor Gonzales ang pagnanakaw ni Jun Lim sa kaban ng siyudad niya, dapat na rin sigurong sibakin na niya ito, di ba mga suki? Kasi kung hindi niya maparusahan si Jun Lim, paano niya maparusahan ang mga tauhan niyang magkakasala rin sa hinaharap? He-he-he! Maiipit si Mayor Gonzales sa kaso ni Jun Lim ah!
Sa tingin ng mga taga-Mandaluyong makamenos pa ang siyudad ni Mayor Gonzales kapag binuwag niya ang anti-vice unit. Kasi nga, may umaabot sa 60 sibilyan pala sa grupo ni Jun Lim at kung bawat isa sa kanila ay sinusuwelduhan ng tig P6,000 eh maliwanag na P360,000 kada-buwan ang nawa-wala sa kaban ng siyudad niya. Kung ang naturang kantidad ay idinagdag na lang ni Mayor Gonzales sa budget ng pulisya, eh tiyak lalo silang sipagin para habulin ang mga kriminal na gumagala diyan sa Mandaluyong, di ba mga suki?
Maaaring maganda ang naging hangarin ng nakaraang administrasyon ng itatag nila itong anti-vice unit. Subalit ang hindi naging maganda ay ibinigay nila ito kay Jun Lim na hindi naman taga-Mandaluyong City kayat wala siyang pagmamahal sa mga residente. May karugtong!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended