Wala kasing nangyari sa proyekto ni Don Ching, hanggang ngayon wala ring pinagbago sa pagkakatiwangwang. Naaalala ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong 1996, sangkatutak ang naging ahente ng Fantasy World pati ang chief Kuwago ay muntik nang makabili dito mga P65,000 per share yata kung hindi ako nagkakamali.
Marami ang bumili sa pag-aakalang mado-doble ang kanilang puhunan dahil hanep sa promosyon ng Fantasy World noon. Halos mag-unahan ang mga gustong bumili ng nabola umano sa mga matatamis na dila at pangako ng mga ahente ni Don Ching.
Ang pang-agaw atensyon ng mga alipores ni Don Ching, sa kastilyong nilumot este mali sa Fantasy World pala, ay magtatayo sila ng malapantasyang kaharian sa Lemery, Batangas. Kaya maraming naengganyong bumili ng share of stock at mga buyer ng mga haybol na ititirik daw sa kabundukan ng kaharian. Ika nga, matitirhan sa lalong madaling panahon. Ang problema nga lang inamag yata?
Sangkatutak ang nagpalistang prospective buyers na gustong maging miyembro sa kastilyong nilumot este mali Fantasy World pala dahil mabilis silang dumukot ng tsapit sa bulsa para bumili ng shares sa kastilyong nilumot este mali Fantasy World pala.
Tuwang-tuwa ang mga kabig ni Don Ching kasi limpak-limpak na tsapit ang pumasok sa kanilang bulsa at marami rin ang natuwang ahente dahil maganda ang komisyon na nakuha nila sa mga Noyping nabola. Ika nga, hindi na mabilang ang mga tsapit dahil tumiba nang todo si Don Ching sa mga naboladas na buyer-member na bumili ng kanilang produkto.
Umiiyak naman daw ang ilang nagbenta na lupa kay Don Ching sa Lemery, Batangas dahil hanggang ngayon yata ay hindi pa sila nababayaran ng buo?
Maraming nagsumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO, kaya lang kapos ang kolum natin, anang kuwagong sepulturero.
Dami palang buyer-member ang suma- ma ang loob kay Don Ching, natatawang sabi ng kuwagong uugod-ugod.
Next Thursday may istorya ulit tayo sa kastilyong nilumot este mali Fantasy World pala, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Ok aabangan namin, kamote.