'Kidnap me' estilong bulok ng mga katulong !
July 23, 2004 | 12:00am
TRABAHO ng BITAG tulungan ang mga katulong na inaabuso, inaapi at pinagsasamantalahan ng mga malulupit na amo. Hindi kami magdadalawang isip na kumilos pronto kapag nasa katwiran ang aming ipinaglalaban.
Subalit, isang panibagong modus o masasabi nating kalokohan ng isang katulong ang nadiskubre ng BITAG. Estilong KIDNAP ME! na kung saan ite-text nila ang kanilang mga amo at ipapatubos ang sarili at papalabasin na ransom money.
Dalawang linggo ng nawawala ang katulong na si Sheila Quisil. At sa Pasay Police Station District Intelligence Unit nagreklamo ang among si Rita Hermoso at ang kapatid na si Nida Quisil. Hinihingian daw sila ng mga kidnapper ng P800,000 kapalit ni Sheila.
Nagkainteres ang BITAG sa reklamo dahil ang mismong biktima ang nakikipagnegosasyon sa amo at sa kanyang kapatid.
Inihanda ang Entrapment Operation para sa sinasabing kidnapper ni Sheila. Sa napagkasunduang lugar sa Makati, narecover ng mga Pasay Police si Michelle Ybias, ang kaibigan ni Sheila na sinasabing kidnapper.
Sa Department ng Pasay Police, sinimulan ang interogation. Sari-saring kuwento ng kasinungalingan ang ipinalabas ni Sheila. Akala siguro ng nene, mapapaikot niya kami. Doon siya nagkamali dahil unti-unti ng lumalabas ang katotohanan. Dahil ang isda ay nahuhuli rin sa sarili niyang bibig.
Lumalabas na pineperahan lamang ni Sheila ang kanyang amo. Dahil gusto lamang nitong makaganti sa kalupitan nito. Pero ayon sa kapatid na si Nida, mabait ang amo ni Sheila at talaga lamang lapastangan at suwail na kapatid si Sheila kaya gumagawa ito ng mga bagay na hindi inaasahan.
Unti-unti na ding naglaglagan ang magkaibigang Sheila at Michelle kung sino talaga ang utak ng KIDNAP ME.
Napagdesisyunan ng amo at ng ate ni Sheila na ipakulong muna siya para madala at mabigyan ng leksyon.
Babala ng BITAG at ng BAHALA SI TULFO sa mga kumukuha ng katulong lalong-lalo na sa probinsiya. Huwag agad magtiwala. Kilalanin muna ang pagkatao at pinagmulan ng inyong mapipiling katulong bago lubusang magtiwala.
At sa mga katulong na katulad ni Sheila, alam naming marami pang katulad mo na malikhain ang isip makaganti lang sa amo at magkapera.
Huwag nyo ng hintayin pang sumunod sa yapak ni Sheila dahil kami mismo ang maghahatid sa inyo sa kalaboso.
BITAG hotline numbers para sa mga NAAABUSO, NAAAPI at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uri ng katiwalian, i-text (0918) 9346417 tumawag sa mga numerong ito 832-8919/932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, BITAG.
Subalit, isang panibagong modus o masasabi nating kalokohan ng isang katulong ang nadiskubre ng BITAG. Estilong KIDNAP ME! na kung saan ite-text nila ang kanilang mga amo at ipapatubos ang sarili at papalabasin na ransom money.
Dalawang linggo ng nawawala ang katulong na si Sheila Quisil. At sa Pasay Police Station District Intelligence Unit nagreklamo ang among si Rita Hermoso at ang kapatid na si Nida Quisil. Hinihingian daw sila ng mga kidnapper ng P800,000 kapalit ni Sheila.
Nagkainteres ang BITAG sa reklamo dahil ang mismong biktima ang nakikipagnegosasyon sa amo at sa kanyang kapatid.
Inihanda ang Entrapment Operation para sa sinasabing kidnapper ni Sheila. Sa napagkasunduang lugar sa Makati, narecover ng mga Pasay Police si Michelle Ybias, ang kaibigan ni Sheila na sinasabing kidnapper.
Sa Department ng Pasay Police, sinimulan ang interogation. Sari-saring kuwento ng kasinungalingan ang ipinalabas ni Sheila. Akala siguro ng nene, mapapaikot niya kami. Doon siya nagkamali dahil unti-unti ng lumalabas ang katotohanan. Dahil ang isda ay nahuhuli rin sa sarili niyang bibig.
Lumalabas na pineperahan lamang ni Sheila ang kanyang amo. Dahil gusto lamang nitong makaganti sa kalupitan nito. Pero ayon sa kapatid na si Nida, mabait ang amo ni Sheila at talaga lamang lapastangan at suwail na kapatid si Sheila kaya gumagawa ito ng mga bagay na hindi inaasahan.
Unti-unti na ding naglaglagan ang magkaibigang Sheila at Michelle kung sino talaga ang utak ng KIDNAP ME.
Napagdesisyunan ng amo at ng ate ni Sheila na ipakulong muna siya para madala at mabigyan ng leksyon.
Babala ng BITAG at ng BAHALA SI TULFO sa mga kumukuha ng katulong lalong-lalo na sa probinsiya. Huwag agad magtiwala. Kilalanin muna ang pagkatao at pinagmulan ng inyong mapipiling katulong bago lubusang magtiwala.
At sa mga katulong na katulad ni Sheila, alam naming marami pang katulad mo na malikhain ang isip makaganti lang sa amo at magkapera.
Huwag nyo ng hintayin pang sumunod sa yapak ni Sheila dahil kami mismo ang maghahatid sa inyo sa kalaboso.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended