^

PSN Opinyon

Philippine Ambassador to Iraq hindi nakita ang anino habang bihag si Angelo dela Cruz

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang hindi nagsalita at hindi nakita ang anino ng ating ambassador sa Iraq habang kasagsagan ng pagkakabihag kay Angelo de la Cruz?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mrs. Mercedes Simon, Ronette Chavez, Leo Tiamzon, Lisa Deligero, Ver Taleon, Jerome and Jed Lising at Galym Guevarra.
* * *
Alam n’yo ba kung sino ang kasalukuyang Philippine Ambassador to Iraq?

At alam n’yo rin ba kung nasaan siya habang kasagsagan ng krisis sa pagkakabihag kay Angelo de la Cruz?

Ayon sa aking bubuwit, hanggang sa kasalukuyan matapos ang halos dalawang linggong pagkakabihag kay De la Cruz ng mga Iraqi militants, ni isang salita ay wala pang narinig sa ambassador. Ang parating nagbibigay ng impormasyon noon ay si Charge d’Affaires Ricardo Endaya.

Grabe namang ambassador ito, natapos na ang krisis hanggang ngayon ay hindi pa siya kilala?

Ayon sa aking bubuwit, nang mapabalita na binihag si De la Cruz sa Iraq, ang ambassador natin sa nasabing bansa ay narito lamang sa Pilipinas. Hindi man lamang nakipag-ugnayan kay President Gloria Macapagal-Arroyo o kay DFA Sec. Delia Albert.

Alam n’yo ba kung ano ang ginagawa ng nasabing ambassador?

Diyos ko pong mahabagin, habang nagkakandarapa na sina Ambassador Roy Cimatu, mga taga-Malacañang at taga-DFA tungkol sa sitwasyon, si ambassador ay nakita ng aking bubuwit, pa-easy-easy, parang walang pakialam na naglalaro ng golf. Siya ay pa-golf-golf lamang sa Ayala-Alabang Golf & Country Club, Muntinlupa City.

Madam President, anong klase namang opisyal itong hinirang ninyong kinatawan natin sa Iraq? Walang silbi, batugan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, mukhang political accommodation lang kasi ang opisyal na ito. Walang background sa foreign relations sapagkat ito ay kilalang dating top executive ng isang malaking korporasyon.

Kaya lang, dapat naman sana ay nagpakita man lang ng konting concern sa kalagayan ng ating kababayang binihag at kamuntik nang mapugutan ng ulo sa Iraq.

Ayon sa aking bubuwit, maski noong i-turn-over ng mga opisyal ng United Arab Emirates Embassy sa Baghdad si De la Cruz sa mga Filipino officials ay wala rin ang ambassador.

Natakot yatang magpunta ng Iraq si Ambassador kaya nanatili na lamang sa Pilipinas.

Ayon sa aking bubuwit, ang Philippine Ambassador to Iraq na hindi nakita ang anino sa hostage crisis sa Iraq ay walang iba kundi si… Ambassador Nono Ibazeta.

AFFAIRES RICARDO ENDAYA

AKING

ALAM

AMBASSADOR

AMBASSADOR NONO IBAZETA

AYON

CRUZ

IRAQ

PHILIPPINE AMBASSADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with