^

PSN Opinyon

Kaso ng Sta. Cruz,Marinduque mayor natutulog sa DOJ ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAILAP nga ba ang hustisya sa mga kapus-palad at walang impluwensya? Ito ang buntong-hiningang inilapit ng isang retiradong sundalo nang lumapit sa inyong lingkod. Ayon kay Sir (hindi na muna natin babanggitin ang tunay nilang pangalan), ayon sa kanilang kahilingan.

Inupuan na umano ng Department of Justice ang kaso ng kanyang menor de edad na anak na inabuso ni Mayor Percival P. Morales ng Sta. Cruz, Marinduque. Ayon sa problemadong ama, isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang reklamo sa Department of Justice na naitalaga ito kay State Prosecutor Lagrimas T. Agaran noon pang nakaraang Marso.

At dahil ng panahong iyon ay kasagsagan ng mga pulitika ay hindi muna binigyan ng atensyon ng naturang tanggapan ang kanilang reklamo. Dahil sa pagtakbong muli ng nasabing mayor ay hiniling nito na ipagpaliban muna ang imbestigasyon hanggang sa matapos ang halalan.

Muli ngang tumakbo si Mayor Morales sa pagka-mayor ng naturang lalawigan. Talagang may exemption ang may impluwensya ano mga suki? He-he-he!

Bagamat tapos na ang eleksyon kung saan buenas at muling nagwagi si Morales bilang mayor, nagtataka ang ama ng biktima kung bakit hindi pa rin daw isinasampa ni Prosecutor Agaran ang kaso sa husgado.

Nag-ugat ang reklamo ng 16-anyos na biktima laban kay Mayor Morales ay naganap noong nagdaang Enero 16, 2004 nang ang biktima ay magbakasyon sa bahay ng isang kaibigan sa Marinduque.

Isang bodyguard umano ni Mayor Morales na nakilala lamang niya sa pangalang "Tawing", ang lumapit at nagyayang ipakilala ang biktima sa mayor, naging mapilit at makulit umano si Tawing, na ilang ulit nagpabalik-balik sa kinauupuan ng magkaibi-gan upang mapapayag lamang siyang sumama sa kay Mayor Morales.

Nakaramdam ng takot umano ang biktima ng muling bumalik si Tawing na nakitaan na nagagalit na ito sa kanya, kaya napilitan ang biktima na sumama na lamang ito. Agad na dinala siya ni Mayor Morales sa isang kuwarto, sa loob ng abandonadong planta, at doon sinimsim at niluray ng mayor ang kanyang puri, sa kabila ng pagmamakaawa ng biktima.

Matapos umanong maisakatupan ni Mayor ang pagpapasasa sa murang katawan ng biktima ay agad itong inalok ng malaking salapi upang itikom ang kanyang bibig na mailihim ang naturang pangyayari. At maging ang kaibigan ng biktima ay inalok din ni Mayor ng salapi upang ilihim ang naturang pangyayari. Subalit ng tinanggihan ng dalawa ang salaping inalok ni Mayor ay pinagbantaan sila ni Mayor na may mangyayari sa kanilang masama.

Napilitan umuwi ang magkaibigan sa Quezon City at agad na nagtungo sa CIDG upang humingi ng tulong. Kaagad namang kumilos ang mga imbestigador at kinunan ng salaysay ang biktima at agad na isinampa ang kaso sa DoJ.

At dito na nag-ugat ang sama ng loob ng mag-ama ng ilang beses na silang pabalik-balik sa DoJ upang alamin ang resulta ng kaso, subalit hanggang sa kasalukuyan ay natutulog ito sa tanggapan ni Prosecutor Agaran.

Kung sabagay hindi lamang kaso ng mag-ama ang inuupuan ng ating mga mahistrado dyan sa DoJ, marami pa sa ating mga kapus-palad ang nabulok na ang kaso na inihain at hanggang sa ngayon ay nababaon na sa limot.

Nawa’y ang usaping ito ng mag-ama ay magbigay-daan upang kumilos ang DoJ na mapabilis ang proseso ng mga kaso na nakabinbin at nag-aantay na mabigyan pansin. Abangan ang magiging aksyon.

AYON

BIKTIMA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

KASO

MARINDUQUE

MAYOR

MAYOR MORALES

MAYOR PERCIVAL P

PROSECUTOR AGARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with