Hinaing ng mga taga-Obando
July 19, 2004 | 12:00am
GUSTO kong bigyang daan ang reklamo ng mga kababayan natin sa Obando, Bulacan lalo na yung mga taga Barangay Paco na dapat na yatang tawaging "Barangay Baho" dahil mabilis itong nagiging bundok ng umaalingasaw na basura. Nagsusumamo ang mga kababayan nating taga rito sa lokal na pamahalaan na agad aksyonan ang problemang ito.
Sinikap nating alamin ang punot-dulo ng problema. Sinisisi ng ilang opisyal ng Obando ang anilay umaalingasaw na amoy sa controlled disposal facility ng kalapit na bayan ng Navotas. Ayon sa mga opisyal ng Obando, ang pasilidad na ito na naghahasik ng masangsang na baho ay nakakaapekto sa naturang bayan. Subalit ayon sa ilang residente ng Obando, hindi ang Navotas ang dapat sisihin kundi ang hindi nakukulektang basura na nakatambak mismo sa Obando. Napakalayo nga naman ng Navotas kung ikukumpara sa mga open dumpsite na naglipana sa Obando. Bukod sa nakahihimatay na amoy, naglisaw pa rin ang mga nagpipistang langaw na nakapeperhuwisyo sa mga residente.
Mayroon na tayong Solid Waste Management Law o Republic Act 9003. Itinatadhana sa batas na ang lahat ng open dumpsite ay dapat nang mai-convert bilang controled disposal facility pagsapit ng 2004 o taong ito. Kaya ang lahat ng bukas na tambakan simula sa taong ito ay ituturing nang ilegal. Anang residenteng si Mang Pepe ng Obando: Bakit wala kaming ganyang klase ng pasilidad sa Obando. "Kapag nagrereklamo kami sa mga lokal na opisyal, puro alibi ang sinasabi sa amin. Pati ibang bayan gaya ng Navotas ay sinisisi."
Marami tayong kababayan sa Obando na naiinggit sa Navotas dahil sa makabagong pasilidad nito sa ba-sura. Anilay dapat itong pamarisan ng ibang lugar na namumroblema pa sa basura. Ang controlled dispo- sal facility na ito ay lisensyado ng Department of Environment and Natural Resources at isang natatanging pasilidad sa Metro Manila.
Sa bawat bagong tapon na basura, iniispreyan ito ng organic enzyme para mapawi ang baho gayundin ang pagdapo ng mga langaw. Tinatakpan din ang mga naitapong basura ng lambat para hindi ito kumalat.
Di tulad ng ibang open dumpsite, ito ay may sampung ektarya ang laki at umaalinsunod sa panuntunan ng sanitary landfill.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended