Double check sa tropang Middle East sa NAIA
July 15, 2004 | 12:00am
HINIGPITAN ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang pagbusisi sa mga dokumento ng mga overseas Filipino workers na pupuntang Middle East.
Sabi ni Ferdie Sampol, bossing ng NAIA-BI, sa mga kuwago ng ORA MISMO, inaabuso raw ng ilang OFWs ang visit visa na ibinibigay sa kanila para makapasok sa Gitnang Silangan. May mga grupo kasi ng sindikato na ginagamit ang visit visa sa kanilang kalokohan.
Dahil dito, puwede silang magpalipat-lipat ng lugar. Halimbawa, from Dubai ay puwede silang magpunta ng Jordan, etcetera.
Kaya naman natatakot ang gobyerno tungkol dito. Baka madisgrasya ang mga Noyping kumakapit sa patalim at mahirapan ang pamahalaan na hanapin kung saan lugar sila naroroon.
Sabi ni Sampol, basta ayos ang kanilang dokumento ay mabilis pa sa alas-kuwatro sila makakasakay ng airplane. Sa profiling ay buko ng Immigration ang istilo ng isang Noyping aalis ng Pinas. Kaya tiyak magigisa lang ito pagdating sa Immigration departure counter.
"Bakit naghigpit ang Immigration sa mga Noyping pumupunta ng Middle East?" tanong ng kuwagong urot.
"Ang kaligtasan kasi ang gustong iparamdam ng gobyerno sa mga taong gustong mag-abroad," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Baka ningas-kugon lang ito," sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Palagay ko hindi dahil matindi ang monitoring."
"Tingnan natin ang bagong istilo ng bureau, baka nagpapataas lang sila ng tara?"
"Iyan ang abangan natin, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended