^

PSN Opinyon

Scholar sa Senado

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
GOOD news ito sa mga estudyanteng mahihirap ngunit matatalino. Isang "scholarship" ang ino-offer ng senado para sa kanila.

Mismong si Senador Ramon Magsaysay Jr. ang nag-anunsyo na special offer na ito para sa mga scholars ng Senado. Ang Scholarship Program na ito ay nasa pagtataguyod ng Ramon Magsaysay Foundation sa pakikipag-ugnayan sa Meralco at iba pang kompanya at socio-civic groups.

Handog ng naturang scholarship ay ang mga short term courses gaya ng automotive applied, applied arts and sciences, electrical and mechanical training, at iba pa. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring personal na sadyain ang Senate Office ni Sen. Ramon Magsaysay Jr. at tumawag sa telepono 5526767.

Matatandaan na isa sa adhikain ni yumaong President Magsaysay na tinaguriang "Man of the Masses" ang nagbigay ng libreng edukasyon at scholarship grants sa mga deserving students na mahihirap. Si Magsaysay ay maka-mahirap mula rin siya sa tinatawag na simple beginning. Siya ay isang mekaniko. Pinakamamahal siyang pangulo at idolo ng masa. Bilang pagdakila sa yumaong presidente ay inilunsad ang Ramon Magsaysay Awards kung saan ay binibigyan ng gawad-parangal ang mga natatanging mamamayan ng mundo.

vuukle comment

ANG SCHOLARSHIP PROGRAM

BILANG

MAN OF THE MASSES

PRESIDENT MAGSAYSAY

RAMON MAGSAYSAY AWARDS

RAMON MAGSAYSAY FOUNDATION

RAMON MAGSAYSAY JR.

SENADOR RAMON MAGSAYSAY JR.

SENATE OFFICE

SI MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with