^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Alisin ang tropa sa Iraq!

-
MALINAW ang mensahe ng Iraqi Islamic Army – alisin sa loob ng tatlong araw ang Philippine troops sa kanilang bansa para hindi mapugutan ng ulo ang binihag nilang Pinoy. Kung magmamatigas ang Philippine government baka sa araw na ito ay mapugutan ang kawawang Pinoy na nakilalang si Angelo de la Cruz. Hindi biro ang problemang ito. Mabigat. Pero kung iisipin madali lang itong lutasin. Alisin ang tropa ng mga sundalong Pinoy doon at tapos ang problema. Mahirap ba ‘yan? Kakaunti lang naman ang mga sundalong Pinoy doon at isasakripisyo ba ang buhay ng isang "bayani" dahil lamang sa pagdidili-dili kung aalisin ba sila roon o hindi. Buhay ang nakasalalay dito kaya dapat maging mabilis ang gobyerno sa pagpapasya.

Limang dayuhan na ang napupugutan ng mga militanteng kabilang sa Khaled bin al-Waleed Corps. At pawang mga sibilyan ang napupugutan. Ang pinakahuli nilang pinugutan ay isang Korean engineer. Kinidnap ang Koreano at pagkalipas din ng tatlong araw ay pinugutan. Hiniling din ng mga kidnappers na alisin ang Korean troops doon. Nagmatigas ang Korea kaya itinuloy ang pagpugot. Bago ang Koreano, may dalawa pang Amerikano ang pinugutan noong nakaraang buwan. Noong nakaraang linggo isang Amerikanong sundalo ang kanilang binihag at binantaan ding pupugutan.

May apat na libong Pinoy ang nasa Iraq at pawang sa mga kampo ng coalition forces nagsisipagtrabaho. Karamihan sa kanila ay mga drivers, electricians, tubero, at iba pa. Nasa panganib ang kanilang buhay lalo na kapag sumasalakay ang mga suicide bombers. May pagkakataong bumabagsak na lamang sa barracks ng mga Pinoy ang mga rockets. Ang kanilang kanang paa ay nasa hukay.

Ang binihag na si De la Cruz ay isang driver na naka-base sa Saudi Arabia. Tumawid siya sa Iraq, at pagsapit sa bayan ng Fallujah, doon siya hinarang ng mga militante. Hindi naman binanggit kung may iba pang kasama si De la Cruz nang siya ay harangin.

Kailan kikilos ang pamahalaan? Kapag napugutan na si De la Cruz? Habang may panahon pa dapat ay kumilos na ang pamahalaan, alisin na ang tropa roon at maingat na bantayan ang mga OFWs na nagsisipagtrabaho roon. Itigil din naman muna ang deployment ng mga OFWs sa Iraq. Kapag matiwasay na saka lamang ipagpatuloy ito. Buhay ng isang Pinoy ang nakasalalay sa pagkakataong ito. Kaya hindi dapat magpatumpik-tumpik.

vuukle comment

ALISIN

BUHAY

CRUZ

IRAQI ISLAMIC ARMY

KAPAG

KOREANO

PINOY

SAUDI ARABIA

WALEED CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with