^

PSN Opinyon

Ang misyon ng mga alagad

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KAILANGAN ni Jesus ang tulong ng kanyang mga alagad. Gusto niyang masanay ang mga ito at maranasan ang galak ng pagpapagaling ng mga maysakit. Basahin ang Mt. 10:1-7.

Tinipon ni Jesus ang 12 alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong makabayan at si Judas, Iscariote, ang nagkanulo kay Jesus.


Ang labindalawang ito’y sinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan: "Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip, hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Isarel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos."

Ganap na nauunawaan ni Archbishop Gaudencio Rosales kung ano ang misyon ngayon ng mga obispo at mga kaparian.Kinondena ni Archbishop Rosales ang panukala ni Secretary Reyes ng DILG na gawing legal ang jueteng.

May ibang paraang itinataguyod si Arch. Rosales upang matulungan ang mga mahihirap. Ito ang Pondo ng Pinoy. Araw-araw, mahirap man o mayaman, ay dapat magsantabi ng beinte-singko sentimos sa isang lalagyan. Kapag napuno na ang naturang lalagyan, ang naimpok na pera ay maaaring ibigay sa parokya na kinabibilangan ng nag-impok, o di kaya ay sa Caritas Manila. Ang Pondo ng Pinoy ay igugugol sa mga proyekto upang matulungan ang mga mahihirap. Ganito ang ginawa ni Arch. Rosales nang siya’y arsobispo pa ng Lipa, Batangas. Noon, sa loob ng tatlong taon ay nakalikom sila ng 12 milyong piso na ginamit nila sa iba’t ibang proyekto para matulungan ang mga mahihirap.

Mayroon ding katekismo tungkol sa Pondo ng Pinoy upang mauunawaan ng kapwa mahirap at mayaman ang motibo o dahilan sa ganitong uri ng gawain.

ALFEO

ANG PONDO

ARCHBISHOP GAUDENCIO ROSALES

ARCHBISHOP ROSALES

CARITAS MANILA

PINOY

PONDO

SECRETARY REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with