^

PSN Opinyon

Direkta raw sa bulsa ng mga Abalos ang kinikita ni SPO4 Jun Lim

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MASYADONG powerful pala talaga ang grupo ni SPO4 Jun Lim, ang hepe ng anti-vice unit ng Mandaluyong City Police. Hamakin n’yo ang unit ni Lim ang nabigyan ng mandate imbes na ang lokal na pulisya laban sa illegal jeepney terminal, illegal vendors, health at business permits. Maliban pa ito sa illgal drugs at illegal gambling. Kung si Lim ay may 60 tauhan, na tatlo lang dito ay mga pulis, ibig sabihin niyan marami sa miyembro ngunit sa pangunguna ni Boy Tuso… este Boy Muso, ay nagpulis-pulisan lamang. Kaya kung mababa ang imahe ng pulisya sa Mandaluyong City, Huwag n’yong sisihin ang liderato ni Supt. Ericson Velasquez, ang hepe ng pulisya, kundi ng mga sibilyan na tauhan ni Jun Lim. Kasi nga, kung pulis ang nananagasa sa mga residente ng siyudad ni Mayor Boyet Gonzales, eh may pag-asa silang maireklamo at maipalipat o ipa-dismiss sa puwesto. Subalit, kung ang mga tauhan ni Jun Lim ang nang-aabuso, mahihirapan ang mga residente na ireklamo sila dahil alam nila direkta ang mga ito sa padrino nila na mga Abalos nga. Kaya tuloy na namamayagpag ang anti-vice unit ni Jun Lim hanggang sa ngayon, dahil alam nilang ihahabilin lang sila ng mga Abalos kay Gonzales nga, he-he-he! Tuloy nga ang ligaya ng grupo ni Jun Lim, di ba mga suki?

Ayon sa mga nakausap kong taga-Mandaluyong, direkta sa bulsa ng mga Abalos ang kinikita ni Jun Lim sa mga illegal diyan sa siyudad. Ewan lang nila kung nai-download na nga ito kay Gonzales. Abo’t langit na ang mga reklamo laban kay Jun Lim at Boy Tuso… este Boy Muso, pero hindi umuunlad dahil sa nakasandal sila sa pader. Karamihan sa reklamong natanggap natin ay ang pagbato ng anti-vice unit ng mga paninda ng mga illegal vendors sa gitna ng kalsada at pagtapak-tapakan. Kasalanan ba ang maging mahirap? Kung tutuusin, pati opisina ni Gonzales ay dapat sisihin kung walang trabahong legal ang mga residente ng siyudad dahil wala namang maibigay ang local government sa kanila. Kaya dapat, hinay-hinay lang ang grupo ni Jun Lim dahil gusto rin ng mga mahihirap na mabuhay ang kanilang pamilya. Get mo, Jun Lim Sir?

Sa totoo lang, ang isang tao na isinusumpa si Jun Lim at Boy Tuso… este Boy Muso sa ngayon ay ang isang alyas Diday, na dati ay may negosyong bookies ng karera sa siyudad. Tumiklop ng negosyo itong si Diday dahil sa reklamong pinipersonal siya ni Jun Lim. At para makaganti nga kay Jun Lim, aba tumaya sa mga Domingo itong si Diday ng nakaraang Mayo 10 general elections. Pero sa kasamaang-palad, nagkamali ng taya itong si Diday kaya napilitan siyang magsara ng mga puwesto dahil hinahabol siya ni Jun Lim nga. Ngayon, ang suspetsa ni Jun Lim ay itong si Diday at isa pang-bookies operator na si Boy A. ang nasa likod ng sunud-sunod nating pagbulgar ng kanyang illegal na aktibidades sa Mandaluyong. Pilit niyang inaabot ang lokasyon ng negosyo ng dalawa para makabawi, he-he-he! Kawawang Diday at Boy A. Abot-langit ang galit sa kanila ni Jun Lim. Hanggang kailan kaya sila makaiwas sa ngitngit ni Jun Lim at Boy Tuso este Boy Muso at sa grupo nilang umaaktong pulis? May karugtong.

ABALOS

BOY

BOY A

BOY MUSO

BOY TUSO

DIDAY

JUN

JUN LIM

LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with