Archbishop Oscar Cruz bakit nananahimik ka sa jueteng ?
July 7, 2004 | 12:00am
BAKIT biglang nanahimik si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz ukol sa patuloy na pamamayagpag ng jueteng sa Pangasinan? Ang katanungang yan ay bumabagabag sa isipan ng taga-Pangasinan dahil alam nilang dinig sa lahat ng sulok ng bansa ang pagsisigaw ni Archbishop Cruz na ipapasara niya ang jueteng diyan nga sa probinsiya ni Gov. Rodolfo Agbayani. Sa unang salpukan, nanalo si Archbishop Cruz bunga sa hindi lang nagsara ang jueteng sa Pangasinan, kundi maging ang hepe ng pulisya sa probinsiya na si Sr. Supt. Art Cacdac ay nasibak pa. Pero nitong nakaraang mga araw, bumalik ang jueteng diyan sa sakop ni Archbishop Cruz at mukhang siya na lang ang hindi nakakaalam, he-he-he! Ang pananahimik ni Archbishop Cruz ay may maraming kahulugan, ayon sa mga residente ng Pangasinan.
Kung sobrang tahimik si Archbishop Cruz sa nagsulputang jueteng, eh ganoon na rin itong sina Agbayani at Sr. Supt. Mario San Diego, ang bagong hepe ng Pangasinan PNP provincial command. Aba, lalo na si Chief Supt. Claudio Cabreros, ang director naman ng PRO1 na sa tingin ko ay nagbulag-bulagan lang. Isama na natin sa listahan ng mga tahimik na nilalang na laban sa jueteng, itong si chief security na si Col. Versoza. Ayon sa mga nakausap nating taga-Pangasinan, nagtatabaan na ang mga kapulisan sa probinsiya nila at wala silang ginagawa para ipasara ang jueteng ayon sa kagustuhan ni Archbishop Cruz. Aba! Aba, maraming nadadamay dito sa jueteng isyu sa Pangasinan ah, di ba mga suki?
Sa tingin ko, panahon na para magpalit ng impormante si Archbishop Cruz at at mukhang nabubukulan na siya. May suspetsa ang taga-Pangasinan na maling mga reports na ang iniakyat kay Archbishop Cruz kayat ang akala niya sarado pa rin ang jueteng sa kanyang nasasakupan. Para sa kaalaman ni Archbishop Cruz ang dalawang financier ng jueteng sa Pangasinan ay sina Bong at Sy na taga-San Carlos City. O, baka naman lumabo na ang mata at humina ang pandinig ni Archbi- shop Cruz kayat hindi na niya mabasa at maintindihan ang mga report na umaakyat sa kanyang parukya ukol sa jueteng?
Ayon sa natanggap nating listahan, ganito ang kubransa ng jueteng nina Bong at Sy sa Pangasinan. Ilista mo ito Archbishop Cruz Sir, para makapagsimula kang muli sa kampanya mo laban sa jueteng nga. Ang kubransa sa jueteng kada araw sa Lingayen ay P400,000; Dagupan, P150,000; Sto. Tomas P350,000; Calasiao P800,000; San Carlos P650,000; Alaminos P400,000; Malasique P350,000; Carmen P700,000; Bani P90,000; Urdaneta P1 milyon; Bugallon P350,000; Bautista P120,000; Binalonan P140,000; Bayambang P230,000; Tayug P140,000; San Manuel P150,000; Labrador P210,000, at Sta. Barbara P170,000. He-he-he! Initial lang yan Arbi- shop Cruz Sir at sa susunod na isyu na natin tatalakayin ang kubransa sa iba pang bayan ng Pangasinan.
Ito kayang pagbukas ng jueteng sa Pangasinan ang premyo ni Presidente Arro- yo sa mga lokal na opisyales dahil nanalo siya sa probinsiya ni FPJ noong nakaraang May 10 elections? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended