^

PSN Opinyon

Kaso ng carnapping bumaba dahil kay Macusi

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
ISANG taon na ang nakalilipas nang EKSKLUSIBONG naipalabas sa BITAG ang estilo ng Rent A Car scam. Asawa ng Police Colonel ang sinasabing nasa likod nito, si Aminah Macusi at ilang casino financier.

Ayon kay Major Lorenzo Holanday, Assistant Director for Intelligence-Traffic Management Group (ADI-TMG), malaking tulong ang pagkakahuli ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) at ng BITAG kay Macusi ganoon din sa iba pang kasamahan nito sa pagbaba ng bilang ng kaso ng carnapping sa Metro Manila.

Sa pagkakahuli ng NBI-NCR at ng BITAG kay Macusi, umabot sa 44 na sasakyan ang narekober mula sa ilang matataas na opisyal ng militar at pulisya.

Ilan sa mga sasakyang nabawi ay isinangla o ibinenta ni Macusi at iba pang kasamahan nito gamit ang pekeng OR/CR. Isa sa mga nabiktima ng ganitong modus si Lt. Edward Prades kung saan direkta niyang idinawit ang kanyang mistah na si Col. Rolando Macusi. Naibenta ang Isuzu Crosswind ni Lt. Prades nang lingid sa kanyang kaalaman.

Malaking katanungan pa rin sa BITAG ang ipinalabas noong balita nang nabuwag na Task Force Jericho ng DILG tungkol sa massive manhunt laban kay Macusi. Ano na ang nangyari sa kasong dapat na naisampa kay Macusi at sa ilan pang kasabwat nito? Bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ganitong uri ng modus?

Panawagan ng BITAG sa iba pang biktima ng ganitong uring panloloko, agad makipag-ugnayan sa BITAG dahil hindi kami tumitigil sa pagtutok sa ganitong uri ng modus.
* * *
BITAG hotline numbers, para sa mga NAABUSO, NAAAPI, at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text (0918) 9346417 tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"

AMINAH MACUSI

ASSISTANT DIRECTOR

BITAG

EDWARD PRADES

INTELLIGENCE-TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

ISUZU CROSSWIND

MACUSI

MAJOR LORENZO HOLANDAY

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with