^

PSN Opinyon

Pag-IBIG: Housing Financing lalong pinalakas

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
SA unang apat na buwan ng taong ito ay tumaas ng 124 percent ang nai-release para sa housing finance program ng Pag-IBIG Fund. Ang Pag-IBIG ay nakapag-release ng P5.88 bilyon sa unang apat ng buwan sa taong ito kumpara sa P2.62 bilyon noong nakaraang taon. May humigit kumulang na 20,565 na bahay ang napondohan sa first quarter ng taon kumpara sa 8,645 noong nakaraang taon.

Patunay lamang ito na pinapag-ibayo ng Pag-IBIG Fund na tugunan ang pangangailangan ng mga miyembro nito sa pabahay. Ang malaking halagang naipautang sa pabahay ay resulta ng mga pagbabago at reporma na ipinatutupad ng Pag-IBIG upang mas matugunan ng gobyerno ang napakalaking pangangailangan sa pabahay alinsunod pa rin sa direktiba ni President Arroyo.

Kabilang sa mga repormang ito ay ang pagbaba ng interest rate. Ngayon ang interes ay mula 6 percent hanggang 12 percent depende sa halaga ng nahiram. Ang pagtaas ng loan to collateral ratio na maaaring umabot sa 100% upang ang mga mangungutang ay maliit lamang ang kailangang ilabas na equity at kung minsay ay halos wala nang equity. May mga bago ring financing schemes para sa mga developers upang masiguro na may sapat silang pondo upang tuluy-tuloy ang pagpapatayo nila ng mga proyektong pabahay.

Ang revised Group Land Acquisition Program (GLAD), Medium/High Rise Building, Turn Key Financing Program (credit facility para sa mga private developers) at ang Housing Liquidity Bond Window ay ilan lamang sa mga programa ng Pag-IBIG Fund na ipinapatupad bilang bahagi pa rin ng kabuuang programa sa pabahay. Tuluy-tuloy pa rin ang pamahalaan sa pagpapatupad ng programa upang matulungan ang mas maraming pamilyang Pilipino na magkaroon ng maayos at disenteng bahay.

ANG PAG

GROUP LAND ACQUISITION PROGRAM

HIGH RISE BUILDING

HOUSING LIQUIDITY BOND WINDOW

KABILANG

NGAYON

PAG

PRESIDENT ARROYO

TURN KEY FINANCING PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with