^

PSN Opinyon

Lalabas at lalabas ang tunay na kulay

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
Nuong nakaraang Miyerkules ng gabi ay biglang niyaya ni Robert Dean Barbers ng Philippine Tourism Authority ang mga opisyales sa mga probinsya ng naturang ahensiya para kumain sa mamahaling Japanese restaurant diyan sa Pan Pacific Hotel.

Natuwa naman ang mga resident managers at ilang opisyales ng PTA dahil sarap nga naman kumain duon at kahit papaano ay makakasama nila ang Prinsipe ng Surigao.

Ewan ko lang kung galing sa bulsa niya ang pinambayad niya o charge to PTA, sa madaling salita charge sa kabang yaman ng bayan.

Buong akala nila ay okay na at may mga pagbabagong mangyayari, pagbabagong para sa kabutihan. Hehehe!!! Hindi pala, panandalian lang pala at kahapon lumabas na naman ang tunay na kulay ng Prinsipe. May kailangan pala siya sa mga opisyales ng PTA.

Tinablan pala siya ng mga expose’ natin nitong nakaraang ilang araw ukol sa mga paggamit niya ng facilities ng gobyerno, manpower ng gobyerno at pera ng gobyerno para sa kanyang sariling kapakanan, lalo na ang para sa pag celebrate ng kanyang birthday.

Kahapon, nagpapirma siya ng isang sulat para sa editor ng Ang PILIPINO STAR NGAYON kung saan nilalabas niya ang kanyang mga achievements kuno at suporta kuno ng mga opisyales ng naturang opisina bilang pangontra sa mga siniwalat natin.

Kita mo na, nagpapapirma ka pa lang ay nagtawagan na sila. Hehehe!!! Sibakin mo nga lahat. Sabagay, may sarili ka nga palang interpretation ng civil service rules and regulations. Prinsipe ka nga pala, kaso Surigao lang at balita natin alam na ni Madam Gloria mga kalokohan diyan, samantalang si Senador Richard "Dick" Gordon na sinisiraan mo lagi at nilalaglag mo pa sa mga kilala at kakutsaba mo ay nag-iinit na rin para mag-imbestiga. Hehehe!!! Wala ng magtatanggol sa ’yo diyan sa Senado.

Akala ba niya dahil sa kanyang mga pagbubuhat ng sariling bangko ay titigil tayo sa pagsisiwalat ng mga umaalingasaw na kabulukang nangyayari diyan sa opisina niya.

Isa pa, sino naman ang lolokohin niya, natural pipirma lahat dahil baka ilipat niya sa Zamboanga o di kaya’y sa malayong lugar ang mga ayaw. Ang dapat niyang gawin ay sagutin kung bakit ginamit ang mga empleyado ng naturang ahensiya sa pag-solicit ng mga prizes, kasama na ang cash at kind, sa kanyang golf tournament.

Dapat rin niyang sagutin kung bakit hindi buo ang binayarang green fees ng mga lumahok sa kanyang two leg golf tournament in celebration of his birthday. Hindi ba napakalinaw na unfair ito dahil sarili ang inaangat niya at hindi ang opisina o turismo.

Dapat rin niyang sagutin kung ilan ba lahat ang mga nakolekta nilang pera, ang mga pang raffle at pinaka importante sino ba ang mga nagbigay ng pang-raffle at bakit sila nagbigay. Sa madaling salita, ano ang kapalit? Gaya na lang ng binigay ng Intellicare, ang health card provider ng PTA. Ayaw nating isipin na sa isang taon ay tiyak na ang naturang kumpanya bilang health care provider ng PTA.

Komo pera ng bayan at resources ng bayan ang ginamit niya sa pansariling interest, dapat magkaroon ng auditing yan at dapat niya ipaliwanag lahat yan. Hindi na bale yung pagpupuno niya ng kuwarto ng sales agent ng isang hotel ng bulaklak sa birthday nito, huwag lang charge rin sa pondo ng PTA.

Siyanga pala, nililigaw raw ni Prinsipe ng Surigao ang isyu at sinasabing ang sales agent raw ay may boyfriend na isang basketbolista, mali ho, hindi yun ang pinadalhan ng maraming bulaklak, huwag ka naman magturo ng iba. Alam mo kung sino at kasama mo pa nga sa Pier One sa The Fort minsan. Sabagay parehong J ang umpisa ng pangalan. Palusot ka naman agad, siguro galit na si Kumander ano, pero hindi ka naman takot sa kanya dahil nagpadala ka lang naman ng bulaklak. Ano nga naman masama ruon, support lang yon sa tourism industry hindi ba.

Pero bago tayo tuluyang iligaw ni Prinsipe, ang dapat niyang sagutin ay mga isyung nilantad natin at hindi mga self serving achievement. Yan ang importante at huwag kang mag-alala at mag witch hunt kung sino ang nagbibigay sa atin ng impormasyon, marami sila dahil hindi nila matiis ang mga milagrong nangyayari riyan.

Katunayan kahapon ay may nakausap pa tayong mga empleyado ng PTA na may mga binulong sa atin na mga purchases ng mga mamahaling gamit na talaga namang overpriced. Abangan n’yo nga lang dahil iniipon pa natin ang mga ebidensya. Magugulat kayo.

Meron ding tungkol sa mga trabaho ng naturang opisina kunwari pero may mga kontratista at as usual hanep ang komisyon. Hehehe!!! Galing talaga at malinis daw pero nangangamoy na.

Meron namang kuwento ukol sa ilang mga mayor na bagama’t pinapunta ng Malakanyang sa tanggapan ng Prinsipe ay hiniya dahil natalo daw ang ama sa bayan ng mga naturang mayor. Bengatibo talaga. Nakalimutan mo ba politics is addition. Sabagay, kaya nga natalo ang erpats mo, hindi n’yo nga naman kailangan ang boto ng mga taga industriya ng turismo. Hehehe!!!

Tandaan mo lang, iba lately si Madam Gloria. Magpapakitang gilas yan at baka ma-sample ka. Sabagay, pinagmamalaki mo naman na malapit ka at malakas kay Madam. Kaya??? Tingnan na lang natin pag dumami pa ang bulok na lalabas. Abangan at may kasunod pa. Hehehe!!!
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa nixonkua @yahoo.com o kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

DAHIL

HEHEHE

LANG

NAMAN

NIYA

PRINSIPE

SABAGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with