Palaging nireregaluhan ni SPO4 Mangulabnan si Supt. Sabug,he-he-he
June 13, 2004 | 12:00am
WALANG patutunguhang maganda ang imbestigasyon na isinasagawa ng Southern Police District (SPD) sa kaso nina Supt. Jose Salido at SPO4 Arsenio Bobot Mangulabnan, kapwa mga bataan ni Sr. Supt. Jovy Gutierrez, ang overstaying na hepe ng Makati City police. Maraming taga-SPD ang naniniwala na hindi maging parehas ang imbestigasyon ni Supt. Ronald Simon Sabug ng Inspectorate Division dahil nga sa magandang relasyon nito kay Mangulabnan. Ayon sa mga sumbong na ipinarating sa akin, palagi palang nireregaluhan ni Mangulabnan si Sabug mula nang hawakan niya ang kaso. Hindi lang yan. Nai-date na rin daw ni Mangulabnan si Sabug sa mga beerhouses diyan sa SPD area. Ano ba yan? Maliwanag na naglalangis si Mangulabnan kay Sabug, di ba mga suki? He-he-he! Kawawang Salido. Naiwan na naman siya sa kangkungan.
Dapat makialam na si Chief Supt. Prospero Noble, director ng SPD sa away nina Salido at Mangulabnan. Kung nilunok ni Gutierrez ang hiya niya sa sarili dahil hindi nya naagapan o naaksiyunan ang sigalot ng dalawa bago ito lumaki, aba dapat si Noble na mismo ang makialam dahil baka pati siya ay madamay pa. Kung totoong may namumuong relasyon itong sina Sabug at Mangulabnan, di ba kay Noble rin ang bagsak ng sisi kapag sumemplang ang imbestigasyon ng Inspectorate Division niya? Amuyin na rin ni Noble ang reklamo ng mga may kasong pulis sa nakokotongan din umano sila diyan sa opisina ni Sabug. Isang cellphone at alak na Fundador pala ang bitbit ng mga may kasong pulis bago sila pumasok sa opisina ni Sabug. Kung wala ka nyan, tiyak may kaso ka, he-he-he! Palaki nang palaki ang sunog diyan sa kaharian ni Noble ah, di ba mga suki? Kaya dapat lang mangarate na siya bago maging huli ang lahat.
Kung totoo ang sumbong laban kay Sabug, hindi nalalayo na maimpluwensiyahan ni Mangulabnan ang kaso niya. Eh sino ba naman ang tatanggi sa grasya kung abot kamay mo na, di ba mga suki? Masarap talagang uminom lalo na kapag may ka-table ka at libre pa. At tiyak na may kasama pa itong pamasahe, di ba mga suki? Kung sabagay may panggastos si Mangulabnan dahil marami na tiyak siyang ipon noong hepe pa siya ng AID-SOT. Alam yan ng kapwa niya pulis dahil sila nga mismo ay nabibiktima rin ng tropa ni Mangulabnan. Nadagdagan pa yan ng kita ng video karera nya. Kaya hindi nakapagtataka kung palaging senglot si Sabug, he-he-he! Wag lang sobrang inom Sir, at baka maalimpungatan ka eh, wala ka na sa puwesto mo.
Mautak talaga si Mangulabnan. Kaya gusto niyang maaga siyang maabsuwelto sa kaso niya la-ban kay Salido kasi nga parang kinikiliti na siyang makabalik sa puwesto. Malaki siguro ang naiwa-nan nya doon sa AID-SOT kayat abot-langit ang pagkilos ni Mangulabnan para bali-kan ang mga collectibles niya. Eh, ano pa ang makakapigil para makabalik si Mangulabnan sa AID-SOT kung wala naman siyang kaso?
Ang siste lang, talagang pinupursige ni Salido ang isinampa niyang kaso kay Mangulabnan, lalo na ng maging negative sa drug test ang limang pulis na pilit ng huli na ikabit sa una. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest