^

PSN Opinyon

MIAA police napikon nanutok ng baril

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SA basketball walang guwapo basta magaling ka tiyak masasaktan ka sa balyahan dahil kasama ito sa laro.

Ika nga, kailangan maging sports ka!

Nagkaroon ng rambulan noong Huwebes ng gabi sa Arellano University gym dahil napikon ang mga natalong kalaban ng Star Group of Publication ang MIAA All-Star Basketball Team.

Ok lang ang nangyaring balyahan at suntukan dahil kasama ito sa laro lalo’t mga pikon pala ang nakalaban ng Star.

Pero ang magpakabayani dahil sa kayabangan ibang usapan ito lalo na ang maglalabas ka ng boga sa laro.

Si Jonald Demigillo, isang miyembro ng MIAA-Industrial Security Guard, ay nagpaandar sa mga kalabang players nang tutukan niya ng kanyang service pistol ang mga pobreng taga-diyaryo.

Ang problema lang kay Demigillo hindi niya ipinutok ang kanyang boga!

Iyan ang itanong ninyo sa kanya!

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, at nagdalawang isip ang security guard este si Demigillo pala dahil natauhan siguro ito nang mahimasmasan at makitang may baril siyang hawak na nakatutok sa kanyang mga enemies.

Ang hindi alam ni Demigillo ay may kaso siyang kriminal at administratibo oras na sampahan siya ng case ng mga taong kanyang tinutukan.

Ipinutok niya o hindi ang kanyang boga.

Sabi nga, GRAVE THREAT ito!

Inilabas sa court si Demigillo ng kanyang coach dahil iba ang nilalaro nito imbes na pagbubuslo ng bola sa ring ang gawin ay paniniko ang inaatupag nito.

Nang mawala si Demigillo sa court, natuwa ang mga kalaban niya dahil wala nang mambabalya sa kanila.

Pero ilang minuto lang ay bumalik ito at may dalang bag. Ang akala ng mga basketbolista ay may baon tsibog ito iyon pala boga ang laman nito.

"Bakit ba napikon si Demigillo sa taga-Star?" tanong ng kuwagong balyador.

"Hindi kasi sila nakalamang sa points mula nang magsimula ang kanilang laban," sagot ng kuwagong hikain.

"Naging boxing – ball pala ang laro"

"Natural lang sa basketball ito. Kahit sa NBA at PBA nangyayari ito" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ang masama kay Demigillo, nanutok ito ng boga sa mga kalaban nila."

"Nawala siguro sa isip nito na may Comelec ban."

"May permiso kaya ang kanyang baril na puwede siyang mag-carry nito sa basketball court?"

"Dyan tatanungin natin si MIAA Airport Police bossing Joey Tecson."

"May magagawa ba si Tecson tungkol dito?"

"Siyempre siya ang superior officer ni Demigillo."

"Abangan natin ang aksyon ni Tecson, mga kamote!"

AIRPORT POLICE

ALL-STAR BASKETBALL TEAM

ARELLANO UNIVERSITY

DAHIL

DEMIGILLO

INDUSTRIAL SECURITY GUARD

JOEY TECSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with