Ang Mesiyas,anak ni David
June 4, 2004 | 12:00am
BAHAGI ng pagtuturo ni Jesus ay liwanagin sa mga Judio na ang Mesias ay Anak ni David. Ang Mesias ay isusugo upang kumpletuhin ang gawain ni David. May ilang Judio ang nagbigay sa Mesias ng titulong "Anak ni David." Hinihikayat sila ni Jesus na limiing maigi ang kanilang pag-iisip tungkol sa Mesias.
Ang Ebanghelyo ngayon ay mula kay Mark na malinaw na nagpapahayag na tinawag ni David ang Mesias na "Panginoon" (Mk. 12:35-37).
Samantalang nagtuturo si Jesus sa templo ay kanyang sinabi, "Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Mesiyas ay anak ni David? Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito: "Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo." Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano ngang masasabi na anak ni David ang Mesiyas? At malugod na nakinig sa kanya ang maraming tao."
Sa pag-iisip ng mga Judio, ang Mesiyas ang magpapanumbalik sa pagkakaroon ng hari sa Israel. Na ang Mesiyas ang magpapalaya sa mga Judio mula sa kanilang pagkakapailalim sa mga Romano. Subalit kinailangan tuwirin ni Jesus ang ganitong maling akala o pag-iisip tungkol sa gawain ng Mesiyas. Ang katotohanan ay: darating ang Mesiyas upang palayain ang mga Judio at lahat ng mga tao mula sa kasalanan at kasamaan.
Ito ang tunay na misyon ng Mesiyas, ang Anak ni David. Ito ang misyon ni Jesus, ang Mesiyas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended