^

PSN Opinyon

Matiyaga si Sr. Supt. Querol at dapat siyang premyuhan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAPATUNAYAN na naman sa kaso ni Manuel Nera, 37, isa sa top most wanted criminal ng Atimonan, Quezon, na mahaba ang kamay ng batas. Si Nera, ang isang magsasaka na wanted sa kasong pagpatay at frustrated murder ay naaresto ng mga tauhan ni Sr. Supt. Cipriano Querol, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 4A, matapos ang mahabang taon na pagtatago. Si Nera, ng Barangay Guitol, Sta. Elena, Camarines Norte ay naaktuhan ng mga bataan ni Querol sa sabungan sa Atimonan noong Mayo 25. Hindi na niya nakuhang takbuhan ang batas. Naaresto si Nera bunga sa warrant of Arrests na ipinalabas nina Judges Aurora Mosqueda Roman at Thelma Trinidad Pe Aguirre ng Gumaca, Quezon. Dahil sa pagpursigi ni Querol sa kaso ni Nera, nagkaroon na rin ng hustisya ang mga naging biktima niya, he-he-he!

Matiyaga lang talaga si Querol, di ba mga suki? Puwede na kayang maging provincial director ng Batangas si Querol, ha PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Sir? Dapat ’yong nagtatrabaho ay mapremyuhan, di ba?

Matapos maaresto si Nera, nakorner din ng mga bataan ni Querol sa pamumuno ni Insp. Erwin Margarejo ang isang pulis na si SPO1 Alvino Glorioso, 47, sa kasong robbery noong May 26. Kusa ring sumuko si Glorioso, na nakatira sa Purok 2 EMS Barrio, Camp Vicente Lim. Siya ay dinakip sa bisa ng warrant na ipinalabas noong Marso 12 ni Judge Stella Buco Andres ng San Pedro, Laguna. Maaaring nakalaya na si Glorioso sa ngayon dahil pinayagan siyang makapagpiyansa ng P100,000.

Hindi lang ’yan ang mga acomplishments ni Querol noong nakaraang linggo. Anim na pinagdududahang mga mandurukot ang inaresto ng mga tauhan niya sa vicinity ng SM Mall sa Dasmariñas, Cavite noong Mayo 21. Ipinadala ni Querol ang tauhan niyang pinamumunuan ni PO2 Generoso Naa-gas sa SM Mall dahil na rin sa maraming reklamo ng snatching, pickpocket at iba pang petty crimes. Habang naka-surveillance operations itong mga taga-CIDG, isang residente na si Pia Blanca Mercado ay lumapit sa kanila upang ireport ang pagkawala ng cell phone niya na nabili niya sa P15,000. Sinamahan ni Naagas si Mercado at nakita nila ang isa sa mga suspek na si Marilou Catama, 20 na buntis ng pitong buwan sa parking lot ng mall. Nakiusap si Naagas na kung maaari ay ma-search ang bag ni Catama na pumayag na-man. Pero hindi akalain ni Catama ng Bgy. Emmanuel 2, Area E. Dasmariñas, na ang SIM card na itinabi niya ay nakilala pa ni Mercado na sa kanya. Ang SIM card ay ikinabit sa isang cell phone at ang mga pangalan at numbers doon ay mga kilala nga ni Mercado, he-he-he! Sobrang malas naman ni Catama, ’no mga suki? Kuwarta na naging bato pa!

Maliban kay Catama, limang suspek na sina Maribeth Rollon, 48; Anji Sulayao, 31; Adrian Santos, 19; Alfonso Atanacio Jr., 48 at Lolita Nebres, ang inaresto ng mga bataan ni Querol. Ang modus operandi pala ng mga suspect ay mag-iikot sa mga malls sa Cavite para makapandukot. Pero sa ngayon, kalaboso muna sila dahil kay Querol.

ADRIAN SANTOS

ALFONSO ATANACIO JR.

ALVINO GLORIOSO

ANJI SULAYAO

CATAMA

MERCADO

NERA

QUEROL

SI NERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with