^

PSN Opinyon

Tulong ng Glad sa Pag-IBIG members

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG programang Group Land Acquisition and Development o GLAD ay hangarin na mabigyan ng pinansiyal na tulong ang mga organisadong miyembro ng Pag-IBIG na nagnanais na mabili ang lupang kanilang tinitirhan at mapatunayan ng bahay sa ilalim naman ng Consolidated Housing Program ng Pag-IBIG.

Kinakailangan lamang na ang grupo o asosasyon ay rehistrado sa Securuties and Exchange Commission (SEC) o Cooperative Development Authority (CDA). Ang bilang ng miyembro ay hindi bababa sa 30 katao at hindi hihigit sa 250.

Ang nasabing grupo o asosasyon ay kailangang anim na buwan mula nang ito ay inirehistro. Ang lahat ng miyembro rito ay kailangang aktibong miyembro ng Pag-IBIG, may kasalukuyang trabaho at kinakailangan dumalo sa seminar na idinadaos ng Pag-IBIG para sa mga aplikante ng Pag-IBIG Housing Loan.

Ang halaga ng Housing Loan ng asosasyon ay batay sa kabuuang halaga ng maaring mautang ng indibidual na miyembro ng Pag-IBIG. Ang proseso ng aplikasyon ay batay sa mga alituntunin ng Consolidated Guideline on Housing Loan Program.

Ang nahiram na halaga ay direktang babayaran sa may-ari ng lupa o kontraktor ng ipapatayong mga bahay.

Sa karagdagang detalye, maaari po kayong tumawag sa 811-4401 local 244 o maari po kayong magsadya sa 7th Floor, Loans Origination Department, Pag-IBIG, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.

vuukle comment

ATRIUM BLDG

CONSOLIDATED GUIDELINE

CONSOLIDATED HOUSING PROGRAM

COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY

GROUP LAND ACQUISITION AND DEVELOPMENT

HOUSING LOAN

HOUSING LOAN PROGRAM

IBIG

LOANS ORIGINATION DEPARTMENT

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with