^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PNP linisin sa mga 'pulis droga'

-
ANG problema sa illegal drugs ay nananatiling banta sa bansa. Sa kabila ng kampanya ng gobyerno laban sa droga, patuloy pa rin ang pagkalat at kahit sa mga liblib na barangay na wala pang kalsada at kuryente ay nakapasok na at ginagawang halimaw ang mga kabataan. Patuloy ang pag-manufacture ng droga, lalo ang metamphetamine hydrochloride (shabu) na ang mga dayuhang Intsik ang nag-ooperate ng mga laboratoryo. Nakapagtatakang kahit na sunud-sunod ang pagsalakay sa mga laboratoryo, hindi pa rin masawata ang pagkalat ng droga. Kakatwa rin namang sa bawat pag-raid ng pulisya ay walang madakmang big time drug lord o ang mismong may-ari ng laboratoryo. Nakatakas o pinatakas?

Problema ang shabu sa bansa. Iba’t ibang uri ng malalagim na krimen ang ibinubunga ng paggamit nito. Ang malagim na sinapit ni Candice Castro, ang 22 year old na bank teller, na ginahasa muna at saka pinatay ay sinasabing droga ang dahilan. Ang mga suspects umano ay bangag sa bawal na gamot nang isagawa ang karumal-dumal na krimen. Pinasok ng mga suspects ang unit ng condo na inookupahan ni Candice at saka ito ni-rape. Hindi pa nakuntento ang mga suspect, pinasakan pa ng foreign object ang ari ng kawawang dalaga. Sabi ng pulisya, ang makagagawa lamang ng ganitong krimen ay ang mga "high" sa droga. Hindi lamang si Castro ang naging biktima ng mga drug addict, maraming iba pa na hanggang ngayo’y humihingi ng hustisya.

Problema ang illegal drugs. At lalo nang nagiging halimaw na problema sapagkat pati ang ilang miyembro ng pulisya ay sangkot dito. Hindi na kataka-taka kung bakit sa kabila ng kampanya ay hindi agarang madurog ang mga drug lord at dumarami pa nga. Ayon mismo sa PNP, 99 na pulis ang sangkot sa droga. Hindi lamang sila gumagamit kundi nagtutulak, financer at protector ng drug lords. Nakagigimbal pero totoo, kung sino ang inaasahang magpoprotekta, ang mga ito pa pala ang sangkot sa "salot na droga".

Sinabi ni Deputy Director General Edgardo Aglipay, head ng Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (AID-SOT) na nagsasagawa na sila nang malawakang operasyon laban sa 99 na pulis. Pangako ni Aglipay na lilinisin ang kanilang hanay laban sa mga "bugok" o scalawags. Nangangalap na umano sila ng ebidensiya laban sa 99 na "bugok" at kapag napatunayan, sasampahan na nila ng kaso. Sinabi ni Aglipay na 21 pulis ang "tulak", 19 ang drug traffickers, 40 ang protectors, 1 ang financer at may 15 drug users.

Ang PNP pala muna ang dapat linisin sa droga. Hihintayin ng taumbayan ang paglilinis na ito.

AGLIPAY

CANDICE CASTRO

DEPUTY DIRECTOR GENERAL EDGARDO AGLIPAY

DROGA

DRUG

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

PROBLEMA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with