Diamong ring na iniregalo ng congressman sa chiching,isinoli

ALAM n’yo bang isinoli ng isang magandang chiching ang diamond ring na regalo sa kanya ng isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Monina Turingan at Luis Rivera.
* * *
Alam n’yo bang matindi palang lumigaw ang isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, bagamat hindi marunong lumigaw si Congressman, siya naman ay may ibang pamamaraan para mapaibig ang babae.

Bukod sa pagiging malambing at maalalahanin, siya ay sobra rin ang pagka-thoughtful.

Dahil hindi madiretso ni Congressman na sabihing mahal na mahal niya ang chiching, dinadaan niya sa parega-regalo.

Noong una ay niregaluhan niya ng mamahaling cellular phone ang chiching. Nakalimutan ng aking bubuwit yung model ng cell phone pero ito ay nagkakahalaga ng P40,000.

Kaya lang ay napahiya si Congressman!

Alam niyo kung bakit? Hindi tinanggap ng chiching at isinoli kay Congressman.

Ayon sa aking bubuwit, kahit isinoli ng chiching yung cellphone na regalo ni Congressman, hindi siya pinanghinaan ng loob.

Ang ginawa ni Congressman ay bumili naman ng ibang regalo, isang diamond ring na nagkakahalaga ng P250,000!

Kaya lang, napahiya na naman si Congressman sapagkat isinoli na naman ito ng chiching.

Sabi siguro nung babae ay dinadaan siya sa regalo.

Medyo conservative kasi ang chiching. Siya ay mestisahing Bulakenya.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil na-inlove talaga si Congressman sa chiching, niligawan pa rin niya ito. Talagang nagtiis si Congressman sa sundo-hatid sa chiching mula sa bahay nito sa Bulacan.

Dahil nakita rin siguro ng chiching na seryoso sa panliligaw si Congressman, kahit wala nang regalo ay sinagot din niya ang congressman! Naku- ha rin sa tiyaga. Bagsak ang Bataan!

Ayon sa aking bubuwit, ang chiching ngayon ni congressman ay betty-uno anyos maganda, sexy, tsinita at hanep magdala ng blue jeans at polo o t-shirt na kulay puti.

Siya ay graduate ng Masscom sa University of the Philippines. Ang matamis niyang oo ay ibinigay kay Congressman nang magtungo sila sa Baguio City.

How romantic naman.

Ayon sa aking bubuwit, ang chiching ay walang iba kundi si Ms. L.L. as in Lani Lopez.

At ang congressman na roommate niya ngayon ay walang iba kundi si Allan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros.

Show comments