^

PSN Opinyon

"Dagdag Aral..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
KAMAKAILAN AY KUMUHA NG "QUALIFYING EXAM" ANG MGA OUTGOING ELEMENTARY STUDENTS. PARTE ITO NG TINATAWAG NA "BRIDGE PROGRAM " NG DEPARTMENT OF EDUCATION CULTURE AND SPORTS (DECS).

AYON PA SA DECS, ANG MGA ESTUDYANTE NA HINDI MAKAKAPASA SA NASABING EXAM AY SAPILITANG DADAAN SA "ISANG TAON" NA PAG-AARAL PA PARA PUMASA AT MAKAAKYAT SA FIRST YEAR HIGH SCHOOL. ANO BA’NG KLASENG PAHIRAP ‘TO?

Sa tingin ng nakararami sa ating mga kababayan "PUNISHMENT’ ito para sa mga estudyante. Pero bakit sila? Nasisiguro kaya ng DECS na ang mga estudyante nga ang may kakulangan kung bakit nahuhuli na tayo sa ibang bansa pagdating sa tinatawag na guality education?

Kung bumababa man ang kalidad ng edukasyon sa bansa, sa tingin natin ay maraming mga factors ang may kinalaman dito.

Bakit hindi maunang i-review kung angkop pa ba ang curriculum na pinaiiral sa ngayon? Baka ang ginagamit na sistema ng DECS ay obsolete na at wala nang kuwenta kung ang pag-uusapan ay ang advance method ng education.

Hindi rin naman malayong isipin na baka naman kinukulang na tayo sa mga competent teachers kaya apektado ang kalidad naman ng mga itinuturo sa mga estudyante. Bakit kaya hindi gawing five-year-course ang BSEE? Baka naman maging mas effective ito.

Isa pa, matagal na rin namang inaangal ng mga guro ang kakarampot na suweldo at mga benefits na tinatanggap nila mula sa gobyerno. Maliit na nga , may mga sumbong pa na madalas ay delayed ang suweldo. Masisisi ba natin ang mga guro na imbes na naka-focus sa pagtuturo habang nasa klase ay inaatupag pa ang pagbebenta ng kung anu-ano para ipandagdag sa maliit na kita?

Hindi natin puwedeng kalimutan ang kakulangan ng maaayos na mga classrooms, desks, tables, at iba pang mga school facilities na dapat na bigyang pansin ng concerned officials. Kulang na kulang din ang mga libro na ipinamamahagi sa mga estudyante sa mga public schools. At kadalasan, kung hindi man ang mismong eskuwelahan ang lumulubog sa baha, yung mga daanan papunta doon ang binabaha. Paano pa natin aasahan na makakapag-aral nang mabuti ang mga estudyante?

Taun-taon ay ang DECS ang isa kung hindi man ang may pinaka- malaking budget allocation sa taunang budget ng gobyerno. Pero ito rin ang iniulat na may pinaka-talamak na corruption cases sa mga government agencies. Bakit hindi ito ang asikasuhin ng pamunuan nito at hindi ‘yung basta na lang ipapapasan sa mga estudyante ang additional burden na ito ?

Hindi na rin naman natatago sa taumbayan na ang mga katulad nitong mga exams ang pinanggagalingan pa ng mga anomalya! Ilan na ba’ng mga board exams, at iba pang mga licensure exams pati na bar exams ang napabalitang nagkaroon ng lagayan para pumasa, o di kaya naman ay may leakage kaya nalalagay sa alanganin. May maiba kaya dito sa ibinibigay exam na ito ng DECS para sa mga papasok ng highschool?

DAPAT SIGURONG REPASUHIN MUNANG MABUTI NG DECS ANG BUONG SISTEMA NG EDUKASYON SA BANSA BAGO PATAWAN NA NAMAN NG GANITONG KLASE NG PAHIRAP HINDI LANG ANG MGA ESTUDYANTE KUNDI PATI NA RIN ANG MGA MAGULANG NA NAGHIHIRAP NA MAIPASOK ANG MGA ANAK SA ESKUWELA.

Kulang pa kaya ang anim na taon sa elementary, hindi pa kasama ang tatlong taon para sa nursery, kinder at preparatory, apat na taon sa high school at ilang taon pa sa kolehiyo. Mabuti kung sa pagbuno sa mahabang taon na ‘yon sa mga eskuwelahan ay sigurado nang may pupuntahang trabaho. Hanggang ngayon, napakarami pa ring mga graduates na nagbibilang ng poste, naguupod ng sapatos para makakita ng trabaho. Marami ngang pumapayag nang magpakatulong kumita lang. Ano pa’ng silbi ng pinag-aralan ng kung ilang taon?

Ang nakikita ko sa ganitong uri ng "qualifying exam" kung saan may makapapasa at merong babagsak, merong apat na taon lang sa high-school, meron namang dagdag taon, maaring maging ugat ito ng "corruption." "SOME Filipinos are kown to be very creative in circumventing the law and taking advantage of a situation to benefit for our personal gains." Anong ibig kong sabihin? Aba, hindi malayo na magkaroon ng lagayan para ang isang estudyante y makapasa at hindi na kailangan kumuha ng dagdag na taon. Kung ang examination nga sa Law, sa Nursing, o kahit pang ibang mga exams ay nagkakaroon ng "leakage" (if the price is right) Hindi kaya mangyari rin ito sa ganitong systemang ipinatutupad ngayon ng DECS? Anong opinion niyo sa lahat ng ito mga kaibigan?

Justified
nga kaya ang aksyong ito ng DECS ? O may iba pa kayang paraan

PARA SA ANUMANG COMMENTS AT REACTIONS I-TEXT SA 09179904918. MAAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

ANONG

BAKIT

DECS

ESTUDYANTE

KUNG

TAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with