^

PSN Opinyon

Taas-pasahe dapat sa tsuper,kunduktor

SAPOL - Jarius Bondoc -
MABISANG taga-pamagitan si DOTC Sec. Larry Mendoza sa mga tsuper at kay President GMA. Batid niya ang sinasaloob ng bawat panig. Dating nag-jeepney driver si Larry nu’ng tenyente pa ng pulis. Bilang cabinet member, alam niyang tinitimbang ni GMA ang ikabubuti ng nakararami.

Ikinuwento ni Mendoza kay GMA nu’ng Martes ang buhay-tsuper. Tatlo’t-kalahating taon nang tumataas ang presyo ng gasolina, ika niya, pero hindi tumataas ang pasahe. Kung dati-rati’y kumikita ang tsuper ng P300-P350 kada 12-oras na pasada, ngayo’y P120-P150 na lang. Sa hirap ng buhay, maraming tsuper ang sinasabihan ang misis na abangan sila sa kanto bandang alas-11 para abutan ng P50 pambili ng pananghalian ng pamilya, tapos pasada muli hanggang gabi. Kung magkarga ng diesel, paisa-isang litro na lang, para makatipid.

Boundary system ang jeepney, patuloy ni Larry. Hawak ng operator ang prankisang galing sa LTFRB, pero sa tsuper pinabibiyahe ang jeep. Sagot ng driver ang gasolina, langis at spare parts sa minor repairs. Inalis ng Malacañang nu’ng 2002 ang import tax sa jeepney parts para bumaba ang presyo, pero operators ang nakinabang. Halos 35% pa rin ng pasahe ay napupunta sa diesel at langis. Hindi nalalayo ang buhay-tsuper at kunduktor ng bus, na kumukumisyon lang sa ticket sales.

Kaya, konklusyon ni Larry kay GMA, dapat itaas na ng LTFRB ang pasahe. Ang hinihingi ng mga tsuper, dagdagan ang minimum fare nang P1.50 sa first 5 km, at 20¢ kada sunod na km. Pero mas malaki ang balak ibigay ng LTFRB: P1.50 sa first 4 km (P2 sa bus), at P1 kada sunod na km. Sa gayong paraan, kikita nang mas malaki ang mga tsuper at kunduktor, at mabubuhay sila nang matiwasay.

"Handa na ba ang order ng LTFRB?" tanong ni GMA. Tumango si Larry. "Kung gayon," utos ni GMA, "awatin mo agad ang paglabas nito." Nalungkot si Larry at inisip na hindi nakumbinsi si GMA. Pero napawi ito agad nang idagdag ni GMA: "Awatin mo para maisingit ang kolatilya na lahat ng dagdag-pasahe ay para sa tsuper at kunduktor, di sa operator."

AWATIN

BATID

BILANG

GMA

LARRY MENDOZA

PERO

TSUPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with