^

PSN Opinyon

Pilipinas,sinisira ng kampo ni FPJ

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI marahil alam ng ibang pulitiko na sila ang sumisira sa imahen ng Pilipinas dahil sa mga akusasyon nila na may malawakang pandaraya sa katatapos na eleksyon. Ang masakit, wala naman silang ebidensiya na may naganap na dayaan. Sa katunayan, may mga balita akong natanggap na ngayon pa lamang nangangalap ang oposisyon ng mga dokumento na magpapatunay na may dayaan daw.

Ilang ulit ko nang binanggit sa kolum na ito na maaga at hindi pa napapanahon para humusga ang mga oposisyon sa pangunguna ng mga lider ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP). Sinabi kong bakit hindi muna patapusin ang opisyal na bilangan ng Comelec at Namfrel.

Subalit, ang malungkot nito mukhang hindi mapigil sina Sen. Tito Sotto at Francisco Tatad na batikusin ang kredibilidad ng Comelec at Namfrel. Tama ba na siraan ang dalawang ahensiyang ito dahil natatalo na si FPJ?

Ngayon ay hindi lamang ang administrasyon ni GMA ang inaakusahan nila ng pandaraya kundi pati na sina chairman Joe Concepcion at Sec. Gen. Guillermo Luz ng Namfrel na diumano ay kumikiling sa kandidatura ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Inakusahan din nina Sotto, Tatad at ng mga taga-KNP ang dalawang mataas na opisyal ng Namfrel na ipinalalabas na nagunguna si GMA sa bilangan. Sagot naman nina Concepcion at Luz, na may poll watchers ang KNP, bakit hindi nila tanungin ang mga ito kung may mga ebidensiya nga sila ng dayaan? Bullseye!

Tumigil kayong mga taga-KNP sa pangunguna nina Sotto, Tatad at iba pa sa kasasatsat. Naninira kayo ng walang sapat na katunayan. Huwag muna ninyong guluhin ang proseso ng eleksyon. Hintayin matapos ang bilangan at saka kayo maghain ng protesta na may mga sapat na katibayan. Tigilan na ninyong udyukan ang taumbayan ng rebolusyon na lalong magpapabagsak sa ating bayan. Gayahin na lang sina Ping Lacson at Raul Roco.

COMELEC

FRANCISCO TATAD

GUILLERMO LUZ

JOE CONCEPCION

NAGKAKAISANG PILIPINO

NAMFREL

PING LACSON

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with