^

PSN Opinyon

Gamot na tumutunaw sa blood clots (Huling Labas)

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
GAYA ng nabanggit ko sa nakaraang column, ang gamot na may generic name na lumbrokinase ang nag-iisang theapeutic supplement na lumulusaw sa namumuong dugo o blood clots. Nagpapahusay din ito ng sirkulasyon ng dugo. Galing ito sa China at ipinakikilala na ngayon sa Pilipinas.

Sa loob ng tatlong linggo makaraan ang formation ng blood clot mababalot ito ng collagen shell at ito ang tutunawin ng collagenase. Pagkaraang mabasag ang shell, ang fibrinolysin at profibrinolysin ang magpapatuloy para malusaw nang tuluyan ang blood clot.

Batay sa mga pag-aaral, may malaking benepisyong ipinagkakaloob ang gamot sa mga dumanas ng stroke. Sa mga nakausap na pasyenteng na-stroke, sinabi nilang may malaking improvement lalo na sa mga palatandaan o sintomas ng pagkakaroon ng stroke. Nabawasan ang pamamanhid ng kamay, pagkahilo, na-improved ang paghinga, pagsasalita, mabilis na pagrekober pandama at naikikilos na ang kamay at mga binti.

Sa mga pasyenteng diabetic, bumaba ang kanilang blood sugar at cholesterol levels kaya ang panganib na mabulag, magka-deperensiya sa kidney, amputation sa bahagi ng katawan at ang pagka-inutil sa pakikipag-sex ay nabawasan din.

Sa mga may heart patients, nabawasan ang bara sa kanilang blood vessel, na-improved ang daloy ng dugo sa kanilang puso at nabawasan ang pananakit ng dibdib. Ang high blood pressure ay nabawasan din sa mga hypertensive patients.

Ang mga smokers, matataba, walang exercise at may stressful lifestyle ay dapat ikonsidera ang gamot na ito. Ang mga nabanggit ay may mga panganib na magkaroon ng bloot clot.

Dito sa Pilipinas ang heart disease at stroke ang karaniwang killers ng mga Pinoy. Marami ang nagkakaroon ng ganitong kondisyon dahil sa poor diet at stressful environment. Sa pagkakaroon ng lumbrokinase dito sa bansa, naipapangako ang isang mahaba at malusog na buhay.

BATAY

BLOOD

DITO

MARAMI

NABAWASAN

NAGPAPAHUSAY

PAGKARAANG

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with