^

PSN Opinyon

Magkadikit na sina Loren at Kabayan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY sapat na dahilan para mabalisa ang kampo ni vice presidentiable Noli de Castro dahil mukhang papalapit nang papalapit na ang agwat nila ng mahigpit niyang katunggali sa katauhan ni Sen. Loren Legarda. Kung noong nagdaang mga buwan ay abot-langit ang agwat ni Kabayad… este Kabayan kay Legarda sa mga survey, nitong nakalipas na mga araw ay halos magkadikit na sila. May ilang survey pa nga na lumitaw na si Legarda na ang lamang ’yan ay matapos maglabasan ang mga baho ni De Cash-tro sa media. Ibig bang sabihin niyan na-educate na ang mga botante natin kaya’t iniiwanan na nila si Kabayad… este Kabayan nga? He-he-he! Halos abot-kamay na ang mga kasagutan sa maraming tanong na ipinupukol natin kay Ka Noli, di ba mga suki?

Pati si dating Presidente Erap Estrada ay sumali na rin dito sa hanay nina Pacita Torralba at Raffy Engle na bumibira sa pagkatao ni Ka Noli. Ayon kay Torralba, itong si Ka Noli ay matatagpuan kung saan ang pera samantalang si Engle naman ay inaakusahan ang senador ng extortion. Tinawag ni Erap itong si De Castro na ingrato – isang taong tatalikuran ka na lang matapos mo siyang tulungan. Inihayag ni Erap ang pagkadismaya niya kay Ka Noli sa interbyu kamakailan ng kolumnista at radio commentator na si Alvin Capino sa programang Kontra Punto sa DWIZ. Ayon kay Capino, masamang-masama ang loob ni Erap kay De Castro dahil hindi man lang siya nito tinawagan at magpasalamat matapos manalo ito sa pagka-senador noong 2001 elections. Sinabi ni Erap na lumapit sa kanya si Ka Noli para humingi ng tulong sa kanyang kandidatura, subalit matapos makuha ang kanyang tulong at suporta ay kinalimutan na siya nito nang maupo sa Senado. "Kung sa tumulong na nga sa kanya ay hindi siya (De Castro) marunong tumanaw ng utang na loob, sa taumbayan pa kaya?" ang wika pa raw ni Erap. Sinabi naman ng mga nakausap natin na doble-cara si Ka Noli dahil hindi lang bendisyon ni Erap ang hiningi niya kundi maging ang suporta man

g administration at oposisyon noong nakaraang elections nga, he-he-he! Kung si De Castro ay nakipagpalitan ng demanda dito sa kampo nina Torralba at Engle, si Erap kaya kakasuhan din niya?

Kung sabagay, maraming botante ang nagsasabing "taksil sa bayan" si De Castro dahil sa paggamit umano nito ng Senado para paboran ang ABS-CBN o ang Meralco. Kabilang sa mga pabor na ito ay ang "paglista sa tubig" o pagbalewala sa P8 milyong utang ng Maynilad at multi-bilyon pang utang na ikinarga sa nasabing kompanya. Oo nga naman, bakit hindi pa sinasagot ni Ka Noli ang mga isyung ito? Hindi tayo magtataka kung panay damage control sa ngayon ang ginagawa ng kampo ni De Castro para mabawi ang mga botong tumiwalag sa kanya.

ALVIN CAPINO

AYON

CASTRO

DE CASH

DE CASTRO

ERAP

KA NOLI

KABAYAD

NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with