Regional coordinator ni GMA pinagmumura ng ex-congressman
April 20, 2004 | 12:00am
ALAM nyo bang kahit wala na sa tungkulin ang isang dating kongresista ay mayabang pa rin?
Ayon sa aking bubuwit, 21 days na lang at eleksiyon na.
Happy birthday muna kay Atty. Teofisto Tootsie Guingona III ng Malaybalay, Bukidnon, anak ni Vice-President Tito Guingona, pagbati mula kay Monsie Guingona-David ng Zamboanga City.
Alam nyo bang binantaan ng isang dating kongresista ang Regional Coordinator ni President Gloria Macapagal-Arroyo?
Ayon sa aking bubuwit, noong April 14, araw ng Miyerkules ay pinasok ng kongresista kasama ang kanyang mga bodyguards ang bahay ng isang kalaban nila sa pulitika.
Sapilitang pumasok ang kongresista sa bahay ng isang negosyante at ito ay pinagmumura sa harapan ng kanyang misis at mga anak.
Ang yabang-yabang mo naman Boy.
Ayon sa aking bubuwit, nagalit si Congressman sa negosyante dahil sa pagsuporta nito sa mga kandidato ng administrasyon. Ang sinusuportahan kasi ni dating congressman ay ang kandidato ng oposisyon.
Ayon sa aking bubuwit, matapos mura-murahin ni Congressman ang coordinator ni GMA ay nagbanta pa ito.
Ang sabi ng kongresista ay Kapag nanalo ang kandidato namin, lagot ka! Magtago ka na!
Ang yabang mo.
Matapos laitin ng kongresista ang negosyante ay umalis na ito sa bahay ng negosyante.
Subalit maniwala po ba kayo na muling bumalik si Congressman at minura ulit at binantaan ang negosyanteng supporter ni GMA. Grabe naman ang kongresistang ito. May bodyguards kasi kaya mayabang.
Ayon sa aking bubuwit, ang Regional Coordinator ng Administration Party na minura at binantaan ng dating kongresista ay walang iba kundi si
Mr. Roger Law ng Pangasinan.
At ang dating kongresista na sumugod sa bahay ng coordinator para pagbantaan at murahin sa harapan ng kanyang pamilya ay si
Pamangkin siya ng dating Presidente ng bansa. Pakidagukan nga itong pamangkin mo Mr. President Fidel Ramos Sir?
Sumusobra naman yata ang kayabangan.
Actually siya ay nakatakdang kasuhan dahil sa kanyang ginawa. Tresspass to dwelling at grave threats?
Ang dating kongresista ay si dating Cong. Ranjit Shahani ng Pangasinan.
Ayon sa aking bubuwit, 21 days na lang at eleksiyon na.
Happy birthday muna kay Atty. Teofisto Tootsie Guingona III ng Malaybalay, Bukidnon, anak ni Vice-President Tito Guingona, pagbati mula kay Monsie Guingona-David ng Zamboanga City.
Ayon sa aking bubuwit, noong April 14, araw ng Miyerkules ay pinasok ng kongresista kasama ang kanyang mga bodyguards ang bahay ng isang kalaban nila sa pulitika.
Sapilitang pumasok ang kongresista sa bahay ng isang negosyante at ito ay pinagmumura sa harapan ng kanyang misis at mga anak.
Ang yabang-yabang mo naman Boy.
Ayon sa aking bubuwit, nagalit si Congressman sa negosyante dahil sa pagsuporta nito sa mga kandidato ng administrasyon. Ang sinusuportahan kasi ni dating congressman ay ang kandidato ng oposisyon.
Ang sabi ng kongresista ay Kapag nanalo ang kandidato namin, lagot ka! Magtago ka na!
Ang yabang mo.
Matapos laitin ng kongresista ang negosyante ay umalis na ito sa bahay ng negosyante.
Subalit maniwala po ba kayo na muling bumalik si Congressman at minura ulit at binantaan ang negosyanteng supporter ni GMA. Grabe naman ang kongresistang ito. May bodyguards kasi kaya mayabang.
At ang dating kongresista na sumugod sa bahay ng coordinator para pagbantaan at murahin sa harapan ng kanyang pamilya ay si
Pamangkin siya ng dating Presidente ng bansa. Pakidagukan nga itong pamangkin mo Mr. President Fidel Ramos Sir?
Sumusobra naman yata ang kayabangan.
Actually siya ay nakatakdang kasuhan dahil sa kanyang ginawa. Tresspass to dwelling at grave threats?
Ang dating kongresista ay si dating Cong. Ranjit Shahani ng Pangasinan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended