Pag-IBIG fund patuloy sa paglilingkod
April 18, 2004 | 12:00am
SA nakaraang anim na taon, ang Pag-IBIG Fund ay nakapag-pautang ng umabot sa P52.790 bilyon para sa 242,037 na mga bahay. Mula sa bilang na ito, P16.659 bilyon ang naipautang sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Mula 2001 hanggang 2003, ang Pag-IBIG Fund ay nakapag-pautang ng P22.44 bilyon sa mga miyembro nito sa ilalim ng end-user financing para sa 81,544 na mga bahay.
Tumamlay ang real estate industry, makaraang magkaroon ng krisis sa ekonomiya sa Asya, subalit nitong mga nakaraang taon, muling sumigla ang industriya. Mahalaga ang naging papel ng mga pribadong developer groups sa panunumbalik ng dating kalakaran at sigla. Makailang ulit ko na ring nabanggit sa kolum na ito na sa pagpapatupad ng isang matagumpay at sustainable na programa sa pabahay, kritikal ang pakikipagtulungan at partisipasyon ng mga private developer groups.
Sa pagpapatupad ng mga reporma sa pabahay sa nakalipas na tatlong taon, gaya ng pagpapabilis sa proseso ng pagkuha ng mga lisensiya at permits mula sa mga ahensiya ng gobyerno, mas mababang interes sa housing loan para sa mga nanghihiram pagbabawas ng mga kailangang dokumento, naging katulong at katuwang ang mga private developer groups sa mga pagbabagong ito.
Sa layuning lalong mapabuti ng serbisyo at pagtulong sa mga miyembrong nagnanais makakuha ng benepisyo sa pabahay may ilang pagbabago ang ipapatupad ng Pag-IBIG Fund. Kabilang dito ang pagsulong ng Pag-IBIG ang desentralisasyon ng pag-apruba ng mga institutional loans upang mabigyan ng partisipasyon at pagpapasya ang mga Regional Offices nito at ang pagbaba ng loan processing fees at service ay ipapatupad din para sa mga developmental loans, Pag-IBIG City at credit facility schemes. Pinag-aaralan din ngayon ang posibilidad na taasan ang loan to collateral ratio para sa mga utang na magkakahalaga ng P500,000 hanggang P750,000 hanggang 100 percent. Kung ito ay ipatutupad, hindi na kinakailangan pang magbigay ng equity para sa mga housing loan sa nasabing halaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am