Paging Chairman Genuino
April 15, 2004 | 12:00am
NAISULAT ko na ito sa ating sister newspaper na Pang Masa pero binibigyang daan kong muli to call the atention of Philippine Amusement and Gaming Corp. Chairman Efraim Genuino.
Nais kong bigyang daan ang reklamong ito without prejudice to PAGCOR na madalas nating dulugan kapag may mga maralitang nangangailangan ng medical assistance. Mahal natin ang PAGCOR at ibig lang nating maituwid ang ilang maling nangyayari. Reklamo ito ng isang kakilala na nung Linggoy naglaro ng slot machine sa Casino Filipino sa Parañaque. Libre ang pagkain ng mga players sa Casino. Bagamat may mga private concessionaires na nag-ooperate ng restaurant sa loob, ang mga order ay pinaaapruban sa mga nakatalagang superbisor ng Casino. Sandaling tumigil sa paglalaro ang kakilala ko at nagtungo sa Sushi Xpress para kumain ng paborito niyang mixed sashimi.
Kinuha ng waitress ang order at dinala sa supervisor na ang apelyidoy Lopez. Pero itoy disapproved kay Lopez. Ang katuwiran, ang player na umoorder ay di nakitang nakaupo sa slot machine. Natural na hindi siya makikita roon dahil nasa sushi bar siya para umorder. Isa pa, bawal kumain ng sashimi sa harap ng slot machine. Ngunit kung wala sa kanyang machine ang player, puwede naman siyang ipahanap for confirmation bagay na hindi ginawa ni Lopez.
Nang malaman ito ng kakilala ko, medyo na-insulto siya pero nagtimpi. Pinabalik yung waitress kay Lopez at pinakisabing siyay regular player at kaibigan niya si Gryk Ortaleza, isa sa mga top executives sa Casino. Binalikan ng waitress ang kaibigan ko na hindi pa rin inaprobahan ang order. Okay lang naman. Umorder na lang siya nang cash basis. Pero labis siyang na-insulto. Pinatawag niya upang personal na makausap si Lopez. Dumating naman si Lopez arogante ang dating. Tinanong siya kung ano ang buong pangalan at ang sabiy "Antonio Lopez."
Sinabihan siya ni Lopez na magpasensya na lang at iyan ang patakaran ng Casino at baka yung mga umoorder ay hindi naman talaga naglalaro. Ni walang apology. Bastat nagmatigas si Lopez na iyan ang patakaran ng Casino at sumusunod lang siya sa utos. Patakaran ng Casino o patakaran niya?!
Dapat siguroy sibakin ang Lopez na ito. Maraming dayuhan ang naglalaro diyan at mawawasak sa image ng Pilipinas kung ganyan ang magiging pagtrato ng taong ito. Tiyak kong hindi alam ng management ng Casino ang kanyang pinaggagagawa. Hindi hampas-lupa ang mga players sa casino para tratuhin niya nang gayon. Ang kanyang ginagaway paglapastangan sa PAGCOR na isang importanteng ahensya ng pamahalaan na maraming itinataguyod na civic at social projects.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended