Harap-harapang nakawan sa sikat na malaking mall!

CEBU CITY.- Sa haba ng bakasyon, muntik ko nang makalimutan ang kolum kong ito. Nandito ang ilang grupo ng BITAG nagtatrabaho nitong buong Semana Santa.

May ilang istorya na kaming naipon para sa programang BITAG na napapanood tuwing Sabado alas-7-8 ng gabi sa IBC.

Ngayong Sabado panoorin kung papano trinabaho ng grupo ng BITAG ang sindikatong nasa likod ng pagnanakaw sa iba’t-ibang branches ng pinakalaking shopping mall sa buong Pilipinas. Halos apat na buwan ito trinabaho ng BITAG.

Kakaibang pagnanakaw, harap-harapan naisasagawa ng sindikatong ito ang kanilang modus operandi sa loob mismo ng department store. Dito sa Cebu may branch ang mall na ‘to.

Aktuwal na pagnanakaw sa loob mismo ng department store hulog sa BITAG ng aming surveillance camera. Walang kamuwang-muwang ang sindikatong napipitikan sila ng aming undercover staff.

Ang problema itong "tatanga-tangang" department store ng sikat na mall, mukhang hindi interesado sa "pambabastardo" ng sindikato sa kanila? Sila na nga ang ninanakawan, sila pa ‘yong parang walang pakialam. Tsk.. tsk.. tsk…

Bakit kaya?

Show comments