Ang ating Ebanghelyo ay tungkol sa dalawang alagad na patungong Emaus. Basahin ang Lukas 24:13-45).
Nang araw ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may 11 kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila. Siyay nakita nila, ngunit hindi nila nakilala agad. Tinanong sila ni Jesus, "Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?" At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngalay Cleopas, "Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon." "Anong mga bagay? tanong niya. At sumagot sila, "Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siyay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito at nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabiy nakakita raw sila ng isang pangitain - mga anghel na nagsabing buhay si Jesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Jesus."
Sinabi sa kanila ni Jesus, "Kay hahangal ninyo! Anot hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi bat ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?"
Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Jesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siyay pinakapigil-pigil nila. "Tumuloy na po kayo rito sa amin, sapagkat palubog na ang araw." Sumama si Jesus sa kanila. Nang siyay kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Jesus, subalit itoy biglang nawala.
Noon diy tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang 11 alagad at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, "Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!" At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang pagpira-pirasuhin niya ang tinapay."
Nais bigyang-kasiguruhan ni Jesus ang mga alagad na hindi ipinagkakait ng Pasyon sa kanila ang kanyang presensiya. Ito ang aral na dapat nating matutunan: Sa Kuwaresma at Misteryo Paskuwal ang paghihirap at kamatayan ni Jesus at ang kanyang Pagkabuhay na Muli.
Dapat kayong mapuspos ng pag-asa taun-taon. Kasama ng Kuwaresma at Pasko ng Pagkabuhay kayo ay lumalago sa inyong espiritwal na pamumuhay.