^

PSN Opinyon

NASTF, Bureau of Customs,nagkaintindihan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGKAINTINDIHAN sina NASTF bossing Angelo T. Reyes at BOC Commissioner Antonio Bernardo tungkol sa shipment na pinigil ng una noong March 19, sa loob ng Manila International Container Port.

May letter of request pala si Angie sa bureau na huwag palabasin ang container noong March 18 dahil duda sila na may milagrong nangyari para i-release ang shipment sa MICP.

Nalinawan ang grupo ni Angie ng magsumite ng complete photocopied records ng seizure case ang Customs tungkol sa isang 40 container van na pinigil.

Nagbayad ang mga may-ari ng shipment ng mahigit sa P40 million buwis sa gobyerno para i-redeem ang kargamento.

Mga computer parts at cellphones pala ang laman nito.

Ngayon tinitiktikan ng NASTF, ang lahat ng daungan at maging airport sa Pinas tiyak mababawasan ang smuggling activities ng ilang bigtime players sa bureau.

Maiiwasan na rin siguro ang ginagawang panggigipit ng ilang kamoteng customs sa mga importer/broker sa pier.

Nakakatiyak naman ang mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi na uubra sa bureau na ang mga sindikato ang magdidikta ng presyo sa kanilang kargamento.

Por kilo kasi ang labanan dito?

Kaya naman nalulugi ng todo ang gobyerno sa buwis dahil hindi tama ang binabayaran ng ilang kamote kasi sa bulsa ng mga gagong smugglers at kasabwat nilang kamoteng Customs pumapasok ang pitsa imbes sa government.

Kung hindi man mawala ang corruption sa bureau mababawasan ito ng malaki dahil sa NASTF.

"Iigtad ang mga bigtime players sa bureau dahil nakamasid sa kanila ang mga tauhan ni Angie," anang kuwagong fixer sa pier.

"Babagsak daw ang koleksyon sa buwis dahil sa NASTF?" sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Kapos ang kolum ng Chief Kuwago sa susunod na isyu ilalabas natin ang mga pangalan ng mga bigtime players sa pier na matagal ng nagpapahirap sa gobyerno".

"Tinitiktikan din ba ang Kamag-anak Incorporated sa pier?" tanong ng kuwagong urot.

"Siguro".

"Angie, Sir, always read Pilipino Star NGAYON!"

"Don’t forget".

vuukle comment

ANGELO T

ANGIE

BABAGSAK

CHIEF KUWAGO

COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

IIGTAD

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with