^

PSN Opinyon

Kontrata sa condominium project

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KINUHA ng AR Industries Inc. (ARI) ang serbisyo ng DCI Inc. (DCI), kontraktor ng condominium na itatayo sa Greenhills. Napagkasunduan ng ARI at ng DCI na ang kabuuang presyo ng proyektong condominium ay P20,800,000 ang ARI ay magbabayad ayon sa "monthly progressive billing" sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang construction manager’s certificate. Pumayag din ang mga partido na kapag ang may-ari ng condominium ay nahuli sa pagbabayad ng monthly progressive billing, ang kontraktor ay may opsyon na itigil ang paggawa ng proyekto hanggang muling magbayad ang may-ari o ipagpatuloy ang konstruksiyon subalit ang may-ari ay magbabayad ng 2 percent interes kada buwan o bahagi nito kada araw.

Natapos ang proyektong condominium subalit hindi nabayaran ng ARI ang halagang P962,434.78. At dahil hindi nagbayad ang ARI, napilitang magsampa ng kaso ang DCI sa korte upang mabawi ang balanse ng presyo ng kontrata kasama ang 2 percent interes kada buwan, exemplary damages, attorney’s fees at cost of suit.

Kinuwestiyon ng Ari ang 2 percent na interes. Iginiit ng ARI na hindi dapat silang magbayad ng 2 percent interes dahil ang halagang P962,434.78 ay hindi parte ng monthly progressive billing kundi balanse ng presyo ng kontrata. Tama ba ang ARI?

MALI.
Ang ibig sabihin ng monthly progressive billing ay ang parte ng presyo ng kontrata na dapat bayaran ng may-ari sa kontraktor base sa natapos nang bahagi ng proyekto. Parte ito ng presyo ng kontrata matapos mabayaran ang downpayment. Kaya, nararapat na malapatan ng 2 percent na interes ang halagang P962,434.78 kada buwan.

Ang probisyon na tumutukoy sa pagbabayad ng interes ay malinaw na napagkasunduan ng ARI at DCI.
Ang kasunduang ito ang naging batas sa pagitan ng mga partido at dapat na isakatuparan. Samantala, wala mang probisyon tungkol dito, nararapat lamang na magbayad ang ARI ng interes dahil nagpabaya ito sa pagpapatupad ng obligasyon sa kontrata. Ang DCI na tumupad sa obligasyong tapusin ang proyekto ay napinsala sa hindi pagbabayad ng ARI.

Kaya, dapat na bayaran ng ARI ang balanseng P962,434.78 kasama ang napagkasunduang 2 percent interes kada buwan ng hindi pagbabayad o ang bahagi nito. (Arwood Industries Inc. vs. D.M. Consunji, Inc. G.R. No. 142277 December 11, 2002)

ARI

ARWOOD INDUSTRIES INC

CONSUNJI

DCI

GREENHILLS

IGINIIT

INDUSTRIES INC

INTERES

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with