No plate, no travel pinagigting!
March 9, 2004 | 12:00am
SALUDO ang mga kuwago ng ORA MISMO kay NAKTAF bossing Angelo Reyes, sa no plate, no travel policy sa mga sasakyang tumatakbo sa kalsada.
Noong nakaraang buwan ay nagpa-praise release si NCRPO bossing Ricardo de Leon tungkol sa isyung ito pero walang nangyari.
Si De Leon kasi ang unang pumutak hinggil dito.
Kaya nga, praise release, di ba!
Si Reyes, naman ngayon ang nag-iingay tungkol sa mga sasakyang gumagala sa kalye na walang plaka.
Nakakakaba kasi ang mga sasakyang nakikita sa kalye ng walang plaka lalot sa gabi.
Naglalaro tuloy ang ating imahinasyon na baka carnap vehicles ang nakakasalubong natin, mga bandidong nakasakay sa sasakyang gagamitin sa holdap o sa kanilang kidnapping operation.
Ika nga, buti na ang nakakasiguro.
Ang LTO ang dapat kalampagin sa problemang ito sila kasi ang ahensiyang may hurisdiksyon dito pero para sa kanila parang balewala ang nasabing usapin.
Naghugas kamay ang LTO nang umalma si Reyes at ang mga car dealers naman ang kanilang itinuturo na may problema.
Sabi ng LTO, hindi sa kanila ang problema pagdating sa isyuhan ng plate numbers sa mga sasakyan kundi sa mga car dealers.
Ang isyu ay hindi lang naman sa mga brand new units ng mga sasakyan ang sinasabi ni Reyes kundi maging sa mga lumang vehicles.
Maraming mga sasakyan ang nakikita ng mga kuwago ng ORA MISMO, na walang mga plaka tulad ng government ambulance, fire trucks, police patrol cars pati ang mga motorsiklong gamit ng mga hagad, mga owner type jeeps na sasakyan ng mga tulisan este mali kapulisan pala.
"Sa EDSA kung talagang magkakahulihan ay maraming sasakyang makukuha rito tulad ng mga buses at mga sasakyan ng ilang pulitikong pulpol pati ang back-up cars nila ay walang plaka, anang kuwagong fixer sa LTO.
Basta may political will walang project na hindi uusad sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Baka naman ningas-cogon lang ito? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Iyan kamote, ang abangan natin!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended