^

PSN Opinyon

Ang tigasing principal ng Fabella Memorial Hospital

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
UPDATE!

"Sintigas ng bato ang bungo" nitong Principal ng Fabella Memorial School na si Mrs. Ruth Castro. Tinuluyan niya ang DEMOTION ng estudyanteng si Shirly Mateo, isang graduating student ng Midwifery ng nasabing eskuwelahan.

May bagong paratang na naman daw para kay Shirly ang Fabella. Walang anumang pormal na kasulatan na ibinigay ang Fabella kay Shirly at sa ama nito kung ano ang batayan ng kanyang demotion.

Sinamahan ng grupo ng BITAG si Shirly kahapon ng tanghali, sa Commission on Higher Education sa tanggapan ni Executive Director Julito Vitriolo. Ngayong alas-dos ng hapon, haharap ang "tigasing" Principal na si Mrs. Castro sa mga legal officers ng CHED sa kaso ni Shirly.

Ganito kami sa BITAG! Ganito ang kahihinatnan ng sinumang abusadong tauhan ng gobyerno sa kanilang kapangyarihan tulad nitong si Mrs. Castro ng Fabella. Nalabag ang karapatan ni Shirly bilang estudyante. Kaya sa CHED magpapaliwanag si Mrs. Castro, tingnan namin kung kasing tigas nga ng bato ang kanyang bungo.

Abangan ang mga susunod na hakbang ng BITAG!
* * *
Para sa inyong mga reaksiyon, sumbong at reklamo type BITAG<space>COMPLAINTS<space>(message) at i-send sa 2333 (Globe/TouchMobile) O 334 (Smart/Talk ’nText). O di naman kaya sa aming hotline # (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19.

Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M.. At panoorin ang programang "BITAG" tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.

vuukle comment

ABANGAN

EXECUTIVE DIRECTOR JULITO VITRIOLO

FABELLA MEMORIAL SCHOOL

GANITO

HIGHER EDUCATION

MRS. CASTRO

MRS. RUTH CASTRO

SHIRLY

SHIRLY MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with